Dedicated to Ladylightbearer
Thanks for supporting!
***Fujiero at the multimedia..
Sa room 3-A, Pre-Test pa lang ay tila atat na atat na si Sheichiro na sumagot sa exam. Pakiramdam niya ay ito ang unang maghuhusga kung sino sa kanila ni Fujiero ang mas magaling sa klase at dapat na hangaan. Si Fujiero naman ay patingin-tingin din kay Sheichiro sa gawing kaliwa habang iniisip na kaya niyang talunin ang challenger at papatunayang hindi siya magpapatalo sa isang transferee. Tila ba tahimik silang naghahamunan sa nangungusap nilang mga mata.
Sabay pang nagkatitigan si Sheichiro at Fujiero nang mahawakan na nila ang questionnaire. Matapos iyon ay mistulang isang imaginary na putok ng baril ang narinig nila sa kanilang isipan. Hudyat para magsimula silang pareho. Bawat segundo ay mahalaga at katumbas ng pagbaba ng kanilang paningin sa linya ng mga pangungusap sa tanong ay ang mabilis na pag-shade ng kanilang kamay sa letra ng tamang sagot. One-to-one hundred ang exam sa bawat subject at meron lamang silang 45 mins.para masagutan iyon. Maliban na lamang sa Science kung saan isang oras ang klase nila. Gayunpaman, pareho ang dalawang henyong walang balak na paabutin pa ng ganon katagal ang exam, lalo pa't paboritong subject ni Fujiero ang Science.
Sa bawat tunog ng papel sa paglipat nila sa susunod na page ng questionnaire ay kasabay ang pagnanasa nilang matapos iyon sa pinakamabilis na oras. Makalipas ang 15 mins. ay sabay na tumayo ang dalawang henyo. Tumungo sila sa kanilang adviser para ipasa ang papel.
"Tapos na kayo agad?" Takang tanong ng kanilang guro.
"Opo." Simpleng sagot ni Fujiero.
"Kung pwede nga lang sagutan ko na agad ang mga susunod na subject para half day na lang akong mag-exam." Mayabang namang sagot ni Sheichiro at napangiti na lang ang kanilang guro.
"Kung nasa akin lang sana ang mga test question, bakit hindi? Kaso nando'n ang mga 'yon sa mga subject teacher nyo, kaya kailangan nyo pang maghintay." Sabi naman ng kanilang guro.
"Okay." Tanging nasabi ni Sheichiro.
"Ang yabang kasi!" Sa isip naman ni Fujiero.
At bumalik ang dalawang henyo sa kanilang upuan. Si Sheichiro naman ay pinatong pa ang mga paa sa mesa niya habang parelax-relax na nagmamasid sa mga kaklaseng abala sa pagsagot.
"Pambihira! Ang bilis naman nilang matapos." Sabi ni Megumi.
"Kaya nga! Nagbabasa pa ba ang mga 'yan?" Sabi rin ni Harumi.
"Eh ako nga hindi ko na nga mabasa itong mga scientific name dito sa Biology." Sagot naman ni Miya.
"Komopya na nga lang kayo sa'kin! Ang iingay nyo!" Inis na wika ni Kisuki na abala sa pagsagot.
Sa kanilang apat kasi ay si Kisuki lang ang matalino at nasa rank 4.
Samantala, sa ibang mga section naman ay pa-easy-easy lang ang ibang mga estudyante lalo pa't Pre-Test lang naman 'yon at hindi makakaapekto sa pangkalahatang grades nila. Hanggang sa sumapit na nga ang 9:30 at kinuha na sa kanila ang papel, tapos man o hindi sa pagsagot.
"Wakato, samahan mo muna akong magpalista sa Swimming Club bago tayo mag-snack!" Yaya ni Mitsuzaki sa kaibigan.
"Sige ba!" Sagot ni Wakato sa kanya.
At pumunta sila sa building ng mga 3rd year. Pagdaan pa lang nila sa 1st floor sa canteen ay patingin-tingin na si Wakato sa paligid. Baka sakaling masulyapan niya man lang doon ang ganda ng Karate Club Master na si Yawne. Subalit wala doon ang dalaga at hindi niya na lang pinahalata kay Mitsuzaki na hinahanap niya ito.
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Roman pour AdolescentsThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...