Fujiero POVKasama ko ang pinakamatalik kong kaibigan sa kalagitnaan ng malalim at malamig na gabi. Magkasama kaming pumunta sa isang lumang pier kung saan walang katao-tao kahit na isa. Maingat at dahan-dahan kaming naglakad papuntang pantalan upang tuparin namin ang aming napagkasunduan. Tanging isang ilaw lang sa isang poste ang nagbibigay liwanag sa buong lugar. Damang-dama ko ang nagbabadyang panganib sa aming dalawa ni Yawne at alam kong isang maling galaw lang namin ay posibleng may mamatay sa'ming dalawa sa mga oras na ito.
Malapit na kami sa tabing dagat at nakikita namin ang isang barko na hindi naman kalakihan. Maganda pa ito at halatang bago pero bago kami tuluyang makapasok sa loob ay hinarang kami ng anim na armadong kalalakihan. Mga dekalibreng baril ang hawak nila at tinutok iyon sa amin. Agad kaming napahinto ni Yawne sa paglalakad at kitang-kita ko sa kanilang mukha na napatingin sila sa dala ko. Kasunod noon an isang malademonyong ngiti mula sa isa sa kanila.
"Iyan na ba ang espadang hinihingi namin?" Tanong ng isa.
"Oo." Tipid kong sagot.
"Paano kami nakakasiguro na 'yan na nga 'yon?" Tanong pa ng isa.
Hindi na ako sumagot at inalis ko na lang ang Katana sa kanyang lalagyan. Habang nilalabas ko 'yon ay ramdam ko ang matinding pwersa na nanggagaling sa espada. Alam kong hindi ko ito basta-basta matatagalan at alam ko rin kung anong nangyayari sa'kin. Nang makita nila ang espada habang hawak ko, ay saka pa lang sila naniwala na ito nga ang mahiwanag Katana na pinapangalagaan ng pamilya nina Yawne, ilang libong taon na ang nakalilipas.
"Sige pumasok na kayo." Utos ng isa at tinutukan pa kami gamit ang baril habang naglalakad papasok ng barko.
Muli kong binalik ang espada sa kanyang lalagyan at pinauna nila kami ni Yawne na pumasok ng barko. Nakasunod sa amin ang anim na lalaki na sumalubong sa amin kanina, at pagdating namin sa gangway o sa tabi sa upper deck ng barko, ay tumambad sa amin ang halos humigit kumulang na isang daang miyembro ng Enforcement Team. Lahat sila armado at may kanya-kanyang hawak na baril. Siguradong isang maling galaw namin ni Yawne ay patay kami agad.
Hindi nagtagal ay naramdaman namin ang unti-unting paggalaw ng barko. Hudyat na nagsisimula na kaming pumlaot. Masusi naming pinagmamasdan ang malawak at madilim na karagatan sa kalagitnaan ng byahe. Damang-dama ko ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat na nagdadala ng kakaibang sensasyon sa aking katawan. Alam kong may nagbabadyang panganib sa amin at anumang oras ay pwedeng may isa sa amin ni Yawne ang mawala.
Hindi ko maiwasang kabahan pero hindi ko hahayaang lamunin ng takot, dahil makakasira 'yon sa misyon namin ngayong gabi. Alam kong kinakabahan din si Yawne kahit na hindi siya nagsasalita sa tabi ko. Ramdam ko ang matinding pangamba na bumabalot sa amin ngayon kaya marahan kong hinawakan ang kanyang palad. Napatingin naman siya sa'kin ngunit wala akong mabasang emosyon sa kanyang mukha.
"Huwag kang mag-alala, Yawne. Kahit anong laban pa ang harapin natin hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo. Tandaan mo 'yan." Seryosong sabi ko at bahagya naman siyang napangiti. Alam kong pilit lang 'yon ngunit sapat na 'yon para sa'kin upang siguraduhin sa kanya na kahit kailan ay hinding-hindi ako mawawala sa tabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/75437838-288-k67587.jpg)
BINABASA MO ANG
Volume 1: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
Ficção AdolescenteThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Setting: Japan, Aeoua Senior High School NOTE: UNEDITED PO ITO! I DON'T HAVE TIME TO EDIT. *** Isang libong taon na ang nakalipas ngunit ang sumpa...