DANIELLE AYESSA"Bye bes! Bukas nalang ulit."
"Ingat bes.. Bye!"
Nasundo kaagad Si Shane ng driver nila. Well busy rin kasi ang parent's 'nya katulad ko pero wala 'syang kapatid.
Maya'maya dumating narin Si kuya..
"Hi kuya!" binati ko 'sya pagka'upo ko sa passenger seat ng kotse 'nya.
"mukhang maganda ang araw mo ngayon Nielle ha.."
"Hmm.. Di naman kuya! Miss kasi kita e."
"Sus!!! May kailangan ka sakin ano?"
"Wala po. Di mo ba ako miss kuya?"
"Miss syempre.. Kapatid kita e.."
Tahimik na ako hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Kuya, akyat na ako ha. May tatapusin pa kasi ako e."
"Sige.. Akyat narin ako.. Ilock ko lang yung gate.."
Nagpalit kaagad ako ng pambahay at kinuha ko yung nga aklat ko at laptop.
"Hay! Ang dami kong tatapusin."
Nahiga muna ako. Nakikita ko palang kasi yung gagawin ko sumasakit na ang ulo ko.9:00 pm
OMG!!! Nakatulog ako.. Naku patay baka di ko to matapos..
Kaya naisip kong magpatulong kay kuya. Sana lang hindi 'sya busy ngayon.
"Kuya...."
Sanay na akong papasok sa kwarto 'nya ng hindi kumakatok. Dala ko yung aklat ko at laptop."Yes Nielle?!" nakangiting sagot ni kuya. Pagkakita 'nya sakin alam na 'nya. Magpapatulong ako sa assignment ko.
"Sorry sa istorbo kuya Rowan. Pero nakatulog ako kaya di ko pa nagsimulan 'to ng assignment ko."
Tumayo Si kuya ay kinuha 'nya yung hawak kong laptop at aklat."San ba dito Nielle?!"
Itinuro ko kay kuya tapos 'sya na ang sumagot at ipinaliwanag nalang 'nya sakin kung paano nakuha lahat ng sagot sa questions."Thank you kuya! The best ka talaga." kiss ko 'sya sa cheeks.
"Ang dali lang 'nyan Nielle tapos nahihirapan ka."
"Para sakin ang harap kuya e."
"Sige. Sanay naman na akong gagawa ng assignment mo pag hirap ka e."
"Kaya love kita kuya e!"
"Naks! Sweet naman ng kapatid ko."
"Kuya...." magkatabi kami at nakaharap ako sakanya. Hawak 'nya yung phone 'nya.
"Hmm, bakit?!"
"Kuya bakit hindi ako kasing talino mo?!" Nakatingin ako sa kanya at seryoso ang tanong ko.
"Ha?... E matalino ka naman Nielle. Hirap ka lang sa math.."
"Bakit kaya hindi tayo magkamukha?!"
"Nielle ano ba namang tanong 'yan!"
"Curious lang kasi ako kuya Rowan e."
"Syempre sa magkaibang side natin nakuha kaya di tayo magkamukha."
"Feeling ko nga kuya di tayo tunay na magkapatid e."
"Ha?!! Nielle, are you crazy? Kababasa mo ng wattpad at kapapanuod mo ng korean series kaya nagkakaganyan ka!"
"Hindi naman kuya e. Sige na nga matutulog na ako. Goodnight kuya Rowan!" Tumayo na ako at kinuha ang laptop at aklat ko.
"Okay.. Goodnight din Nielle!"
Nakahiga na ako dito sa higaan ko. Pero di ako makatulog..
Shocksss!!!!! Bat ko naman naitanong kay kuya yun?! Naku naman. Di ki napigilan ang sarili ko. Kainis!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/84720571-288-k85426.jpg)
BINABASA MO ANG
Kuya And I (On-going)
Любовные романыSabi nila first love never dies..... Paano kung ang first love mo ay yung inakala mong kuya mo?! Na simula pagkabata alam mong magkapatid kayo at alam mong hindi pwedeng maging kayo. Dahil magkapatid kayo.