DANIELLE AYESSAWeekend ngayon.. So hindi ako nag'alarm dahil wala akong pasok..
Tok! Tok!
Agad kong binuksan yung pinto. Syempre sino pa ba inasahan kong kakatok, edi yung taong mahal ko diba?!..
"Kuya?!.." Agad naman akong yumuko pagkabukas ng pinto, naalala ko kasing hindi pa ako nakakapagsuklay dahil halos kakabangon ko palang sa higaan."Bakit ka yumuko?"
"Ah..eh.. Kasi kakagising ko lang kuya..saka ang gulo ng buhok ko.." sagot ko sakanya pero nakayuko parin sa sobrang hiya.
Dati kasi pwede nya akong makitang ganito, pero ngayon hindi na.
"Hahaha!!!"
Tumawa lang 'sya ng malakas..
"kuya!!!!!!! Tignan mo tinatawanan mo ako!!.. Dun ka na nga! Mag'aayos muna ako nakakahiya naman kasi sayo.."
Saka ko sinara yung pinto.Tok! Tok!
(Kumatok ulit)Binuksan ko ulit yung pinto.
"Ang kulit.. Bakit nga?!"
This time tumingin na ako sa kanya. Nakangiti lang 'sya sakin."May pupuntahan tayo Nielle. Kaya maligo ka na, hinintayin kita sa baba ha.."
"Saan tayo pupunta?!" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Secret..mamaya mo malalaman ha, bye the way.. Ang cute mo talaga pag bagong gising tsaka pag'naaasar.."
Sabay kiss sa pisngi ko!! Hindi na ako nakapagsalita.
MY GOD!!! Umaga palang buo na ang araw ko.
Agad akong naligo, nagbihis at nag'ayos dahil alam ko ang ugali ni kuya ayaw 'nya ung naghihintay ng matagal. Simpleng pants, shirt and white rubber shoes lang ang suot ko. Mas simple mas maganda, yung kasi ang alam kong gusto sa babae ni kuya.
ROWAN TIMOTHY
Napapangiti nalang ako habang naiisip ko ung itsura ni Nielle kanina, ang cute 'nya saka maganda parin kahit bagong gising.. dati naman di 'sya ganun kahit pa sobrang gulo ng buhok 'nya wala 'syang pakialam.
"Kuya, ready na ako. San ba kasi tayo pupunta?!" papalapit 'sya sakin at nakatingin lang ako sakanya.
"Secret nga diba? Namiss ko yang kakulitan mo, alam mo ba yun?!"
"Huh? Yun lang namiss mo sakin?! Ang pagiging makulit ko! Tsk!"
"Nope! Everything....kung alam mo lang.." sagot ko at saka ko kinuha yung kamay 'nya.
Sumakay na kami sa kotse at habang nagdadrive di talaga maiwasan na hindi tumingin sakanya.
"Kuya, gusto mo pa ba akong makasama ng matagal?!"
"Ha?.. Anong klaseng tanong yan.. Syempre naman, mahal kita e.."
"Then magfocus ka sa pagdadrive. Tingin ka kasi ng tingin sakin e. Katabi mo lang po ako, mamaya mo na ako tignan pag nakarating na tayo sa pupuntahan natin ha?!.. Nakangiting sagot 'nya sakin.
"hahahha! Sorry Nielle.. Di ko lang kasi mapigilang tumingin sayo.."
After an hour of driving nakarating rin kami sa puntod kung saan nakalibing tunay na mga magulang 'nya.
BINABASA MO ANG
Kuya And I (On-going)
RomantikSabi nila first love never dies..... Paano kung ang first love mo ay yung inakala mong kuya mo?! Na simula pagkabata alam mong magkapatid kayo at alam mong hindi pwedeng maging kayo. Dahil magkapatid kayo.