SHANE SANTOSMaagang natapos ang klase ko dahil merong event dito sa University. Kaya tinawagan ko Si manong driver na pupunta muna ako kay Yessa at dun nalang 'nya ako susunduin kapag tumawag na ako.
Pero sa di inasahang pagkakataon at di ko namalayan na nasa likod ko na Si kuya Rowan.
"Shane, alam mo kung nasaan Si Nielle?!"
"Kuya Rowan, narinig mo yung usapan namin ni manong?!"
"Sagutin mo ang tanong ko! Alam mo kung nasaan Si Nielle??!!"
Bahagyang tumaas ang boses ni kuya Rowan."Oo, sorry kuya Rowan. Si Yessa ang may gustong huwag sabihin sa inyo.."
"Samahan mo ako, at kailangan ko 'syang makausap. Nag'aalala sina papa at mama sakanya. Gustong gusto 'syang makita.."
Wala akong nagawa kundi samahan Si kuya Rowan sa apartment ni Yessa.
"Shane, kamusta 'sya?!"
Tanong sakin habang nagda'drive 'sya ng sasakyan."Ayos naman 'sya.. Madalas akong pumunta sakanya para di 'sya malungkot.."
Hanggang sa makarating kami sa apartment kung saan nakatira Si Yessa.
DANIELLE AYESSA
Tok! Tok!
Naku Si Shane talaga nagpunta lang dito kahapon namiss naman ako kaagad..
Pagbukas ko ng pinto nagulat ako dahil Si kuya Rowan ang nasa harap ko.
"Kuya..."
Sa gulat ko halos di ako makapagsalita..Hinawakan 'nya ang braso ko.
"Tara, sumama ka sakin nag'aalala sina papa at mama sayo..""Ayoko! Wala akong magulang.. Wala na akong babalikan.."
Hinila ko ang braso ko sabay atras."Sasama ka sakin.. Ako ang masusunod!" Mataas ang boses 'nya. At humawak ulit ito sa braso ko.
''bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!.." Halos naiiyak na ako.
"Narinig mo? Bitiwan mo daw 'sya!" napasigaw Si Eron.
"Wag kang maki'alam labas ka dito."
"Nasasaktan 'sya kaya may paki'alam ako. Kung ayaw 'nyang sumama sayo Hayaan mo 'sya!"
Mabilis ang mga pangyayari.. Pinagsusuntok ni kuya Rowan Si Eron..
"Tama na kuya! Sasama na ako."
Umiiyak na akong umaawat sakanya..alam kong magkakaganito kapag nakita nya ako at kasama si Eron.."Tara, sumunod ka sakin nandun ang koste ko sa labas!" halata sa boses 'nya ang galit dahil sa nakita 'nyang dumating Si Eron.
"Eron, ayos ka lang ba?.. Tatawagan kita mamaya ha.. Shane bes, ikaw na bahala sakanya." Saka ako sumakay sa kotse ni kuya.
Tahimik lang ako, halos di ko 'sya magawang tignan habang nagmamaneho 'sya..
"Bakit alam ni Eron kung nasaan ka? Ha?!"
"Siya ang tumunog saking humanap ng apartment.."
Nasa mukha at boses parin 'nya ang galit.
"Tapos anong kapalit nong ha? Nakuha ka na ba 'nya?!"
Nagulat ako sa sunod na tanong 'nya.Halos di ako makapagsalita dahil di ko akalain na maiisip 'nyang gagawin ko yun.
"Sumagot ka!!!"
"Hindi.. Tinulungan lang 'nya ako.. Dalawa sila ni Shane ang tumulong sakin.. Kung di ka maniniwala, nasasayo yan.."

BINABASA MO ANG
Kuya And I (On-going)
RomanceSabi nila first love never dies..... Paano kung ang first love mo ay yung inakala mong kuya mo?! Na simula pagkabata alam mong magkapatid kayo at alam mong hindi pwedeng maging kayo. Dahil magkapatid kayo.