DANIELLE AYESSAKatabi ko ngayon si kuya. Hindi daw kasi 'sya aalis hangga't di ako kumain.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Araw-araw ganto ang nararamdaman ko everytime na magkatabi kami ni kuya.OW EM GI!!!!! Tinignan ko lang 'sya. Tapos hinawakan na 'nya ang noo ko to check kung may lagnat pa ako. Yung kilig ko pigil na pigil dahil di pwedeng malaman ni kuya. Nakakahiya e. Yung tipong konti konti nalang mahahalikan ko na 'sya. Charot!
Isinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat 'nya.
"Kuya..."
"Hmm..."
"May itatanong sana ako.."
"Go ahead Nielle.."
"Bakit ayaw mong may manligaw sakin?"
"dahil bata ka pa Nielle at tsaka natatakot akong saktan ka lang nila.."
"okay kuya. Ayoko rin kasi e."
"Ganun ba Nielle.. Ikaw pwede ba kitang tanong?!"
"Anu yun kuya?!"
"Bakit ayaw mo rin magpaligaw?!"
"Kasi nga meron na akong gusto kuya kaso malabong maging kami."
"Bakit naman?"
"Kasi po bawal kuya.."
Bawal.. Kasi ikaw kuya Rowan ang gusto ko.."Nielle, pwede ka bang magpromise sakin?!"
"Ano po yun kuya?!"
"Kahit anong mangyari sa future o maging problema natin sa pamilya basta magtitiwala ka lang sakin ha?!"
"Anong ibig mong sabihin kuya?!"
"Basta Nielle..."
"Okay kuya.. Promise.."
ROWAN TIMOTHY
Kung alam mo lang Nielle ang totoo kung bakit Ayokong may manligaw sayo ay di ko kayang makita kang may kasamang ibang lalaki dahil mahal kita. Pero di ko pa masabi sayo dahil ang alam ng lahat ay magkapatid talaga tayo.
Nakasandal ang ulo 'nya sa balikat ko at saka kami nag-usap. Kahit may sakit maganda talaga 'sya.
Isa lang ang pinagdadasal ko.. Sana pareho ang nararamdamam namin para sa isa't isa.
"Nielle, kumain ka na?!"
"Mamaya na kuya.. Kapag kumain na ako aalis ka na e.."
"Bakit? Ayaw mo bang umalis ako?!"
"Syempre naman kuya.. Di ka naman busy diba?!"
"Hindi naman..sige dito ako magstay.. Di kita maintindihan Nielle ah,!"
"Ha?? Bat naman po kuya?!"
"Kanina gusto mo iwan kita, ngayon gusto mo dito lang ako.."
"Ah, kasi naman ikaw kuya e. Kahapon inaway mo ako dahil dun sa lalaking yun eh di ko naman type yun!"
"Sorry na nga Nielle diba?!!! Mahal kasi kita...."
"Ha??????!" bigla 'syang tumingin sakin dahil sa sinabi ko...
Naku lagot na... Nadulas ako...
"Ah, mahal kita dahil kapatid kita sabi ko..""Ok kuya.. Sabi ko nga.."
"Kumain ka na Nielle.. Dito lang naman ako e."
"Thank you kuya Rowan.. Sige na nga kakain na ako!"
Tinitignan ko lang 'sya habang kumakain. Habang tumatagal lalong lumalim yung pagmamahal ko para sakanya. Hindi ko narin magandang kung kelan ko naramdaman 'to basta ang alam ko mahal ko 'sya..
![](https://img.wattpad.com/cover/84720571-288-k85426.jpg)
BINABASA MO ANG
Kuya And I (On-going)
RomanceSabi nila first love never dies..... Paano kung ang first love mo ay yung inakala mong kuya mo?! Na simula pagkabata alam mong magkapatid kayo at alam mong hindi pwedeng maging kayo. Dahil magkapatid kayo.