ROWAN TIMOTHYMedyo late na akong bumangon at nakapagbihis. Wala naman kasi akong gagawin sa office. Saka hindi rin ako nakatulog dahil sa kaka'isip kay Nielle.
Nakabihis na ako kaya lumabas na ako ng kwarto. Sakto lumabas narin sa kwarto Si Nielle. Pero hindi ko manlang 'sya pinansin. Kahit mahal ko 'sya at miss ko, gusto kong iparamdam sakanya na maling magtiwala 'sya kay Eron.
Nagpaalam na 'sya kila mama at papa para pumasok at agad na lumabas. Alam ko rin hindi 'sya sasabay sakin dahil alam 'nyang nagagalit ako.
"Rowan, ihatid mo Si Nielle.."
Utos sakin ni papa.
Hindi na ako sumagot at dumiretsyo akong sumakay sa kotse.Hindi ko narin naabutan Si Nielle dahil nakasakay 'sya kaagad ng taxi.
Yung feeling na nakikita ko 'sya pero di ko manlang masabi at maparamdam sakanya na mahal ko 'sya.
Nakarating na ako sa office pero 'sya parin ang nasa isip ko.
DANIELLE AYESSA
Masakit pala kapag ramdam mong galit sayo ang taong mahal mo.
Naglalakad ako papunta sa klase ko. Parang walang nangyari. Ang alam kasi nila nagbakasyon ako sa ibang bansa.
"Bes.." tawag sakin ni Shane.
"Bes, kanina ka pa?" tanong ko sakanya.
"Ah, hindi naman bes. Buti pumasok ka na. Hinatid ka ba ni kuya Rowan?!"
"Hindi as if ihahatid naman 'nya ako bes."
"Oh, bakit naman bes?!"
"Galit kasi 'sya sakin dahil nalaman 'nyang tinulungan ako ni Eron bes."
"Baka naman Nagseselos bes?!"
"Asa pa ako. Malabong mangyayari yun bes. Di sana cnb na 'nya diba."
"Malay mo bes. Syempre galit 'sya ngayon e."
"Naku, Ayokong umasa. Nasasaktan na nga ako dahil di nya ako pinansin tapos aasa pa ako bes."
"Ikaw naman, diba first love mo naman."
"Hay, wag na nating pag'usapan bes.. May mahal 'sya at hindi ako yun."
"Bahala ka nga, tara na bes at magsisimula na ang klase natin."
Yaya sakin ni Shane..Mabilis na natapos ang maghapon. Uwian nanaman, as always kailangan kong mag commute at sumakay ng bus pauwi. Malamang hindi naman ako susunduin ni kuya at nakakahiya naman sumabay kay Shane.
6:35 pm
Nakababa ako ng bus sa kanto at kailangan ko pang maglakad papasok sa subdivision.6:55pm
Nakarating ako sa bahay. Nakita kong naka'park na ang kotse ni kuya Rowan. Pero wala ang kotse ni papa, malamang busy sa business at kasama si mama."Hay! Ako nalang ang iiwas sakanya. Kahit masakit sige na, kasalanan ko naman."
Yan ang sabi ko sa sarili ko habang naglalakad paakyat sa hagdan.Sakto namang lumabas ng kwarto Si kuya at nakasalubong kami sa hagdan pero yumuko nalang ako para makaiwas ng tingin sakanya.
BINABASA MO ANG
Kuya And I (On-going)
RomanceSabi nila first love never dies..... Paano kung ang first love mo ay yung inakala mong kuya mo?! Na simula pagkabata alam mong magkapatid kayo at alam mong hindi pwedeng maging kayo. Dahil magkapatid kayo.