Kuya and I (2)

1.9K 39 0
                                    


DANIELLE AYESSA

Tok! Tok!

"Danielle Ayessa!!!! Male'late na ako! Ang bagal mong kumilos.!"

"Kuya naman.. Ang aga sumisigaw! Tara na nga..Tsk!"
Bungad ko sakaya pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko.

"Ang bagal mo naman kasi.. Siguro puyat ka nanaman ano?!"

"Hindi lang po ako nagising sa alarm ko kuya. Wag ka ng magalit!!" Saka ko 'sya niyakap bago kami sumakay sa kotse.

"Naku!!! Kung di lang kita kapatid at kung di lang kita mahal iniwan na kita e."

"Ah talaga kuya mahal mo ako?!" I smiled.

"Syempre.. Little sister kita diba?!"

"Sabi ko nga kuya!"
As always.. Bilang kapatid lang. Pero ako mahal talaga kita. I wish hindi nalang kita naging kapatid. Sabi ko sa sarili ko.

Oo nga pala, sumasabay kasi ako kay kuya kapag papasok ako. Madalas din kapag hindi 'sya busy sinusundo rin 'nya ako.

Nasa gate na kami ng school.

"Nielle, susunduin kita ha?! Pagkatapos ng meeting ko wala na akong gagawin."

"Opo kuya." I answered.

"No boys! No boyfriends! Okay?!!"
Nakatingin 'sya sakin. Then bumaba 'sya para pagbuksan ako ng pinto.

"Yes kuya Rowan.. No boys.. No boyfriends!" Saka bumaba na ako.

Then kissed me on my cheeks.

Hay! Every time na ihahatid ako ni kuya palagi nalang ito ang linya 'nya..

"No boys! No boyfriends!

Super higpit.. Ayaw ' nyang may lalaking kakausap sakin.. Or else mabubugbog daw 'nya.. San ka pa diba? Magkaroon ka nga naman ng over protective na kapatid.

Naglalakad na ako papunta sa klase namin buti nalang nasalubong ko ang bestfriend ko. Si Shane.

"Shane!!!!! Bes!!!!"
Sigaw ko....

"Yessa... Namiss kita!!!"

"Ow!!!! Sweet... Namiss rin kita Bes!!! Maaga pa kwentuhan muna tayo." Naupo muna kami sa sa bench sa ilalim ng puno habang. Presko dito at nakakarelax.

"Bes..."

"May problema ka ba bes??!!"

"Si kuya..."

"Hmm, bakit?"

Alam ni Shane kung ano yung feelings ko para kay kuya Rowan. Mula elementary kasi magbestfriend na kami at wala akong naitatagong sikreto sakanya.

"Di ko talaga 'sya maintindihan e."

"Bakit bes?!"

"Lagi nalang sinasabi ayaw 'nyang may lalapit sakin na boys. Ayaw din 'nyang may maliligaw sakin."

"Lahat ng kapatid ganyan talaga.. Swerte mo nga may kuya ka e. Gwapo at matalino pa diba?!"

"Malakas talaga ang instinct ko na di kami magkapatid e. Kaya pa ako mainlove sakanya bes diba?!"

"Instinct nga diba bes? Pwedeng nagkamali ka rin. Kalimutan mo na kaya yang feelings mo para sa kuya mo bes? Baka masaktan ka lang sa huli.. Sige ka ikaw din!"

"E paano bes kung tama yung na'sesense ko bes? Sayang naman!"

"Gaga!!!! Nakakatawa ka talaga bes.. Dinidiktahan mo yung tadhana e.."

"What if lang naman bes.. Hehe. Tara na nga. Pasok na tayo."

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na ang klase namin. Si Shane sinundo na ng papa 'nya. Ako naman nandito sa waiting shed. Hinihintay Si kuya Rowan.

Kuya And I (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon