Chapter 1

160 7 1
                                    

|Reshlyn|

Reshlyn Collins at your service! Ako nga pala yung tipo ng babae na mahilig mag-aral, mahal ang music, crush ang books, paborito ang movies, obsessed sa 'Thunders' , banda nga pala sila, mapagmahal na bata, pero bagsak sa lovelife.

Ewan ko ba? Pero, okay lang. Wala pa naman akong time para diyan eh. Tsaka hindi ko naman ikamamatay ang walang lovelife. Enjoy lang ang life ayos na.

Nandito nga pala ako sa classroom namin. Ilang minuto na lang at makakawala na ako sa aming kulungan. Ang boring kasi nung klase ng teacher namin. Hindi ko naman maintindihan eh. Sana man lang nagtanong siya kung na-gets namin siya. Tsk!

"Okay class! So for our activity, you should write-"

*KRINGGGGGGGGGGGGG*

Yes! Oh my gosh! Tumayo na ang mga kaklase ko at umalis na ng classroom. Hindi na nakapagsalita yung teacher namin dahil yun ang rules sa school namin. Kapag tumunog ang bell, automatic na lalabas na. No words, No explanation.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko, tinawag ako ni Faith, my bestfriend.

"Hoy Resh! Bilisan mo diyan. Nagugutom na ako." Iyak niya.

"Ano ka ba? Haha! Wait lang." Agad ko ng inayos ang gamit ko at after nun hinila ko siya palabas ng classroom.

"So Reshlyn." Simula ni Faith.

"Hm?"

"GRABE! NAKAKAANTOK TALAGA KANINA SA MATH!" Iyak niya habang inuuga-uga pa ang buo kong katawan.

"Hahaha! Ewan ko ba at ang bilis-bilis magturo ni teacher Gil." Napairap tuloy ako.

"Baka tinatawag ng kalikasan kanina." Napatawa naman kami.

Nandito na kami sa canteen. Ang dami palang nakapila. Grabe! Nakakatamad naman, ang haba pa ng tatayuan namin. Pede bang makisiksik na lang kami? Gutom na din kasi ako eh. Minsan kasi may pagkatama ako kaya naisipan kong hilahin si Faith papunta sa pinakaunahang pila sa pilahan. That's what we call MAKIKISIKSIK.

"Excuse me? What are you doing?" Napatingin naman kami sa likod namin at isang grupo ng lalaki ang nakatingin sa amin.

"Is it obvious? Nagmamadali kami." Sagot ko.

"I know, but we should go first dahil kanina pa kami di-"

"Hayaan mo na siya Vinz." Putol ng isang lalaki sa sasabihin niya. Thank you very much kuya!

At last naka-order na kami. After naming makuha ni Faith ang tray namin, tumingin muna ako dun sa lalaking nasa likod namin kanina. Nakakainis! Hindi ba uso sa kaniya ang 'Ladies first' tsk. Humanap na kami ng mauupuan ni Faith. Then we start talking to each other.

"Reshlyn, hindi ko pa nga pala natatanong sayo ang dreamboy mo." Sabi ni Faith.

"Hala! Ano ka ba Faith? Alam mo naman na wala pa ako diyan di ba?" Sabi ko sa kaniya. Ano bang pinagtatatanong nito?

"Haha! Alam ko naman eh. Kung ikaw ang tatanungin ano ang gusto mo sa isang lalaki?" Tanong niya.

"Minsan lang ako sumagot sa mga ganiyan ha! Sige. Sayo ko lang ito sasabihin ha! Dahil bestfriend kita, no secrets." Sabi ko.

"Syempre gusto ko, loyal at gentleman." Sabi ko. Nakita kong parang napangiti siya ng konti.

"Hoy? Bakit ka ngumingiti?" Tanong ko.

She Forget, I Remember || On-GoingWhere stories live. Discover now