Chapter 15

12 3 1
                                    

|Reshlyn|

Papunta na ako ngayon sa gate. Ayoko na naman paghintayin yung babaeng yun baka mamaya kung ano na naman gawin nun sakin. Ayoko na talaga ma-late! Binabawian talaga ako nun eh. Ewan ko ba! Trip na trip ako ng bestfriend ko kahit kailan. 

Ilang lakad na lang at makakarating na din ako sa school gate namin. Gusto ko na umuwi, para kapag natapos ko na yung gagawin ko matutulog na agad ako. So I can't be late tomorrow! Nandito na ako, pero hindi ko makita si Faith. Wala siya sa may school gate. Nasaan na yung babaeng yun? Tinignan ko naman yung phone ko para i-check kung nai-send ko ba yung message ko sa kaniya. 

Na send ko naman ah! 10 minutes na. Bakit wala pa siya? Don't tell me hindi na naman siya nagbabasa ng messages? Hay nako! Ako yung nagpahintay pero ako yung nauna. Nakita naman ako ng guard samin.

"Miss? Mag-gagabi na, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya sakin.

"Nako! Pasensya na po, may hinihitay lang po ako." Sabi ko sa kaniya.

"Ah sige! Dalian niyo ha! Anong oras na, kailangan ko ng isarado ang school." Sabi niya na tinignan pa ang wristwatch niya.

Tinignan ko na din yung wristwatch ko. Malapit na pala mag 5:30! Nako lagot kami ni Faith kay tita kapag ginabi kami. Umalis na ako sa gate. Pumasok ulit ako sa loob, hahanapin ko si Faith. Asan na ba kasi yun? Baka mamaya niloloko lang ako nun eh. Naglalakad ako sa may corridor tapos nakasalubong ko si Zonia tsaka yung babaeng kasama niya. Sinamaan naman ako ng tingin ni Zonia. Problema nun? May ginawa ba ako sa kaniya?

Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap kay Faith. Lagot talaga yung babaeng yun sakin kapag nakita ko. Lahat na ata ng lugar sa school nilibot ko na pero hindi ko pa din makita si Faith. Pupunta na lang ako sa libray, baka andun yung babaeng yun. Lagi kasing siya yung nagbabantay dun kapag wala yung school librarian namin. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng may nauna namang magbukas nito mula sa loob.

Nagulat na lang ako ng makita ko si Vinz na nasa harapan ko. Anong ginagawa niya dito sa library? Bakit andito pa siya? Wala kaming imikan. Kita sa mga mukha namin na pareho lang kaming nagulat ng makita namin ang isa't-isa. Siguro hindi niya ine-expect na may tao pa pala sa school.

Ayaw ko siyang kausapin, baka kasi mamaya asarin lang ako niyan. Pero ine-expect ko na kakausapin niya ako. Nagulat na lang ako ng tuluyan siyang lumabas ng library. Tapos umalis na siya. Ano bang problema nun? Wala naman akong ginagawa sa kaniya eh. Bakit hindi na mamansin?

At ano namang pake ko kung hindi siya namamansin?

Hindi lang naman siya ang taong kilala ko eh, tsaka hindi kami close. Duh! Tumuloy na lang ako sa library, ang tahimik. Sa totoo lang natatakot ako kasi baka mamaya may multo dito. Ayoko pa naman ng ganun. Mahilig ako sa horror movies pero kapag ganitong sakin na nagparamdam, I don't like it. Baka mahimatay ako ng hindi oras. So nilibot ko na nga yung library, pero no sign pa rin ni Faith ang nakikita ko. Asan na kaya yung babaeng yun? Nag-aalala na din ako eh. Once again tinignan ko ulit ang wristwatch ko, it's already 5:50. Nako! Nako! Nako!

Sinubukan ko naman na tignan yung phone ko, baka mamaya may text na si tita Ellen eh. Lagot talaga kami! Nagulat na lang ako ng makita kong may message pala si Faith sakin. Huhuhuhu. Buti naman at naisipan niya magtext. Kanina pa akong nag-aalala sa kaniya eh. Sabi sa text niya, nasa gate na daw siya kaya dali-dali naman akong pumunta dun sa school gate. Patay ito sakin, bibigyan ko siya ng madaming sapak!

Pagkalabas ko ng first building, natanaw ko na agad siya at may katabi siyang, matangkad na lalaki. Nakita na din ako ni Faith kasi nagsimula na siyang kumaway sakin mula sa malayo. Agad naman akong lumapit sa kaniya. Sa madaling oras, natanaw ko na din yung itsura nung lalaki. Sobra naman ang pagkagulat ko kasi hindi ko inaasahan na magkasama sila ni Faith. Yung lalaking nasa bus. Yung lalaki na isa sa mga nabigyan ng parusa katulad ko. Bakit sila magkasama?

She Forget, I Remember || On-GoingWhere stories live. Discover now