|Jervin|
"Respect her, you IDIOT!" Sigaw ko sa kaniya.
"The f***?! Why would I?"
"Pre! Ano bang ginawa niya sayo at ganiyan ka makabastos sa kaniya?" Tanong ko sa kaniya.
"Easy lang yan pre! Hindi mo ba kita? Ang ganda-ganda niya, sino kaya ang hindi gustong-"
Bago pa siya matapos, sinuntok ko na siya. Kadiri! Nakakasuka ang mga nasa isip niya. Hindi ko na kayang marinig pa ang bawat salita na lalabas sa bibig niya. Mas mabuti pang makatikim siya ng sakit para matauhan siya.
Kung hindi niya lang binastos si Reshlyn, eh di sana ayos pa yang mukha niya. Nakakabastos eh. Napaka-manyak! Tuloy-tuloy lang ang pagsira ko sa mukha niya. Lalo kong sisirain ang mukha niya dahil sa pambabastos niya.
Tama lang yan sa kaniya.
"JERVIN!!!" Napatingin na lang ako sa sumigaw.
Hindi ako makapaniwala na mas pinili niya pang tulungan yung taong nambabastos sa kaniya.
"Anong ginagawa mo?" Inis niyang tanong sakin habang tinutulungan niya yung manyak na yun.
"Sinusuntok yung mukha niya. Tsk!"
"Itigil mo na nga yan! Maawa ka naman sa kaniya!" Maawa? Bakit ako maaawa sa taong bastos? Sa taong hindi marunong rumespeto sa babae?
"Ginagawa ko lang yung tama!"
"Tama? Alam mo ba yan ang dahilan kung bakit ayaw ko sayo eh! Masyado ka kasing mayabang!"
Para namang dinurog yung puso ko dun. Mayabang? Siya na nga tinutulungan, ako pa ang nasabihan ng mayabang.
Aalis na sana ako, nag-init yung ulo ko eh. Pero may naramdaman na lang akong kamay na nakahawak sa braso ko.
Napatingin naman ako sa kaniya. Namumula yung mga mata niya. Kita ko na may namumuo ng mga tubig sa mata niya. Naiyak ba siya?
"Bakit ka naiyak?" Pagkukunwari kong hindi ako galit. Bakit nga ba siya naiyak?
"Huwag ka munang umalis..." Ngayon, umiiyak na siya.
Kanina galit na galit siya sakin tapos ngayon pinapahinto niya akong umalis.
"Ano bang nangyayari sayo?" Nalilito na ako.
Ayoko mang gawin sa kaniya ito pero pinabayaan ko na lang siya. Tinalikuran ko siya pero ayaw niyang bumitaw sa akin. Pinipilit kong lumayo sa kaniya pero bigla ko na lang siyang nahigit at bumagsak kami sa sahig.
Hindi ko inaasahan na siya ang nasa ibabaw ko.
Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mga luha niya sakin. Dahil sa luha na iyon, napapikit ako ng mata.
.
Sa pagmulat ko, nagising ako sa katotohanan. Tinignan ko ang paligid ko at nasa isang bahay ako, nakahiga sa sofa.
Pinagmasdan ko yung paligid. Nasaan ako?
Napagtanto ko na nananaginip lang pala ako kanina, pero yung pag-iyak lang ni Reshlyn ang hindi nagbago.
Imbis na mag-alala ako kay Reshlyn kasi naiyak siya, nagawa ko pa siyang titigan. Ano bang nangyayari sa kaniya?
Nang makita niya na din ako, nanlaki na lang ang mata niya at lalo pa siyang umiyak. Magtatanong sana ako kung anong problema niya pero sa ngayon, hindi na ako makagalaw.
YOU ARE READING
She Forget, I Remember || On-Going
Teen FictionMay bestfriend ka bang laging nandyan para sayo? May tao bang lagi kang tinutulungan? May tao bang may lihim na pagkakagusto sayo? May mga kakilala ka bang lagi kang tinatanong malaman lang ang status mo? May kinalimutan ka na bang bumalik na lang...