Chapter 13

15 4 0
                                    

|Reshlyn|

Grabe! Napuyat ako kagabi. Kasi naman late na din akong nakauwi kahapon gawa ni Ashlyn. Namimilit pa kasi na bukas na daw ako umuwi sa bahay nina Faith. Eh sa hindi nga kasi pede kasi makikita ako ng mga maldy.

Nag-stay pa ako ng 1 hour sa bahay kagabi para lang hindi na kulitin ni Ashlyn. Yung kapatid ko kasi eh, ang lakas ng topak! Ang sakit tuloy ng ulo ko ngayon. I'm sleepy!!!

Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Para akong zombie nito eh. Feeling ko nga pinagtitinginan na ako ng mga tao.

Isa pa kasi si Faith eh! Kung hindi niya ako binato ng unan kanina habang tulog eh di sana hindi kulang tulog ko ngayon. Anong oras nun nung ginising niya ko, sobrang aga.

Akala kasi ni Faith magpapa-late ako ng pasok. Ayoko na nga maging late. Papagalitan na naman ako ng teacher namin.

Pinilit ko na lang na maglakad sa hallway kahit ganito ako. No choice naman eh. Ayoko kasi pumunta sa clinic. Hindi ko trip!

"Hi Reshlyn!" Bigla na lang sumulpot si Hans.

"Hello..." Yan na lang yung naisagot ko. Nahihilo pa din kasi ako.

"Oh, ayos ka lang?" Tanong niya.

"Oo! Huwag mo akong problemahin hahaha!" Kunwaring masaya, para hindi na siya mag-alala sakin. Kung nag-aalala nga.

Tuloy-tuloy pa din ako sa paglalakad. I don't have a time para makipag-usap. I need to go to my class. Baka ma-late ako. Huhu.

Bigla na lang hinawakan ni Hans yung kamay ko tapos hinila ako. Nahihilo na nga ako pinatakbo pa. Ang sama niya sakin.

"Hans! Saan ba tayo pupunta? Ang bilis mo naman, nahihilo ako eh." Hindi humihinto si Hans sa paghila sakin.

Saan niya ba ako dadalhin? Nahihilo na nga yung tao lalo pa niyang pinahilo sa sobrang bilis ng lakad niya.

"Basta!" Anong basta? Tsk.

Nakakahiya kaya. Napagkakamalan kaming mag-on. Close naman kami eh kaya lang iba talaga kapag kasama ko siya. You know famous. Syempre magagalit fangirls nito.

Hinayaan ko na lang siya. Nahihilo na talaga ako eh. Ano ba magagawa ko, nanghihina na ako. Wala na akong laban dito kay Hans.

Bumagal na yung lakad ni Hans. Tapos napansin ko na lang na nasa tapat na kami ng clinic.

"Ano ginagawa natin dito?"

"Malamang, iiwan kita dito. Nahihilo ka eh. Baka mamaya mag collapse ka diyan." Tawa niya.

Ang bait naman ni Hans. Siya na! Siya na!

"Pero ayoko talaga pumunta dito eh. Yung class kasi, baka-"

"Hayaan mo na yun! Sasabihin ko na lang sa teacher mo na nasa clinic ka. Sige! Pahinga ka na diyan ha!" Umalis na siya.

Ngayon, pinapanood ko na lang siyang iwan ako sa labas ng clinic. Ang bait talaga ni Hans sakin, kahit kailan. Hindi ko na alam gagawin ko sa kaniya eh.

Wala na akong magagawa kaya pumasok na ako sa loob ng clinic. Kaysa naman sa nakatambay ako sa labas baka mamaya may makakita pa saking teacher, pagalitan pa ako.

Inasikaso na ako nung school nurse namin. Kumuha muna siya ng gamot dun sa cabinet nila tapos inihatid niya ako sa higaan ko.

"Okay Reshlyn. Magpahinga ka ha!" Sabi niya sakin.

She Forget, I Remember || On-GoingWhere stories live. Discover now