Chapter 21

31 2 6
                                    

|Reshlyn|


"Eh?! Bati na kayo?!"

Ang kulit naman ng bestfriend kong ito eh. Kakasabi lang uulitin na naman. Ganun na ba siya kabingi? Medyo masaya na nga ako ngayon eh, kasi wala na akong problema. Hindi na galit sakin yung Jervin na yun.

"Eh di magpapansinan na kayo sa school?"

"Kahit naman magkaaway o magkabati kami eh, hindi pa din kami masyadong nag-uusap sa school o kahit saan." Totoo naman di ba? Hindi naman talaga kami masyadong nag-uusap.

"Hahaha! At least hindi na kayo magsusungitan na dalawa." Kinuha niya na yung uniform niya para ihanda.

Ako naman kinuha ko na yung towel ko at naligo na. May art class kasi kami, kailangan naming maging maaga ngayon. May special daw kasing ia-announce si teacher Hanna.

Ano kaya magiging tayo namin ni Vinz mamaya? Nako! Dahil bati na kami nun, free na ulit siyang asarin ako. I'm sure!

Mahirap makipag-usap sa isang tulad niya. Haha! Baliw kasi yun. Katulad ng mga kabarkada niya, isa siyang abnormal. Pero nagtataka lang ako kung bakit parang nawawala yung inis ko kay Vinz. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang saya-saya niyang kasama. Siguro nga dahil sa isang abnormal siya.

After ko namang maligo. Sakto namang tumunog yung phone ko. Agad ko naman itong tinignan.

Hans calling...

"Hello?"

[Oh hey Reshlyn! Mamaya nga pala maaga tayo sa The Finest. Kailangan na natin matapos yun.] Oo nga pala, madami pa nga pala kaming dapat tapusin.

"Ah sige! Sabihin mo lang kung anong oras na pedeng pumunta dun."

[Sige! I'll text you.]

Binaba niya na. Ayos na ako sa lahat kaya dali-dali na akong bumaba sa hagdan. Nakita ko naman sina mama at Faith sa dining room.

"Una na po ako!" Sigaw ko.

"Breakfast muna Reshlyn!" Sagot ni mama.

"Huwag na po! Dun na lang po ako sa school kakain. Promise po!" Sabi ko.

Alam na naman ni Faith na hindi kami sabay ngayon. Kaya umuna na ako sa kaniya. Naisipan ko na lang maglakad kasi naman wala ding mga sasakyan na dumadaan. Ewan ko ba kung bakit. Tsk! Nakaka-late sila ng mga estudyante.

May kotse na lang na biglang huminto sa tapat ko. Binaba niya yung windshield niya. Ngumiti siya sakin. Ano ginagawa niya dito? Anong ginagawa ng isang baliw dito?

"Saan ka galing?" Saan ito galing? Agang-aga makikita ko 'to sa may amin.

"Sa bahay malamang. Haha!"

"Anong ginagawa mo?"

"Malamang nagda-drive." Pilosopo talaga itong baliw na ito. Kanina pang namimilosopo eh. Gusto niya bang hilahin ko siya palabas ng kotse niya.

"Hays! Hindi ka parin nagbabago." Irap ko.

"Hahaha! Sorry na! Nakita kasi kita kaya syempre huminto ako." Seriously? Huminto siya dahil nakita niya ako? Para tuloy nag-init yung buong katawan ko.

Ano ba itong nararamdaman ko?

"Namumula ka ba?" Napahawak naman ako sa pisngi ko. Nag-iinit na yung mukha ko. Natauhan naman akong bigla.

"Huwag ka ngang assuming dyan! Sige na male-late pa ako eh." Nagsimula na ulit akong maglakad.

Hindi pa ako nakakalayo at sinusundan niya pa din ako. Ang kulit naman ng baliw na ito eh. Huwag kang mag-alala Reshlyn, aalis din yan. Basta huwag kang lilingon dahil kapag tumingin ka aasarin ka lang niyang baliw na yan.

She Forget, I Remember || On-GoingWhere stories live. Discover now