Chapter 3

67 3 0
                                    

|Reshlyn|

Nasa school ako kasama ang aking bestfriend. May meeting lang kasi yung teachers namin kaya naisipan kong yayain si Faith pumunta ng gym. Para manood ng basketball. Trip ko lang kahit hindi ako gaanong mahilig sa sports. Nakaupo lang kami sa bleachers habang nagkwekwentuhan. Hindi ko nga pala masyadong napapansin yung mga naglalaro. Kaya naisipan kong tignan at panoorin sila.

"Kasali pala si Hans!" Ngiti ko habang nanonood ng basketball. Ang galing niya!

"Ehem..." napatingin naman ako kay Faith. Nakatingin lang siya sakin at pinagmamasdan ang aking panonood.

"Bakit? Tignan mo kaya ang galing niya!" Ngiti ko habang pinapanood si Hans.

"Bes! Ano nga pala ang gagawin natin mamaya after class?" Tanong ni Faith.

"Anything! Ano ba gusto mo Faith?" Tanong ko sa kaniya. Alam ko kasing ang daming gustong puntahan itong si bestfriend.

"GUSTO KO PUMUNTA SA PARK!" Sigaw niya.

"Huh? Ang layo naman nun eh. Pede sa ano na lang-AH!"Napasigaw ako sa sakit ng aking paa dahil sa pagkakadali ng bola.

"Miss! Are you o- ms. Singit?!" Napatingin ako. Shit! Si Vinz.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" Napasigaw ulit ako.

"Is it obvious? I'm playing basketball. Bulag ka ba?" Napatawa naman siya.

"Tara na nga Faith!" Tumayo ako at hinawakan si Faith sa kamay sabay hila palayo sa kumag na ito. Pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Wait lang ms. Singit!" Hila niya. Lumingon naman ako at binigyan siya ng 'WHAT'S-YOUR-PROBLEM-LOOK'.

"Eh naman Jervin. Gusto mo lang hawakan ang kamay niya eh." Asar ng isa niyang kalaro.

"Ewww! 100% NO!" Nandidiri niyang sabi sabay punas sa kaniyang jersey.

"Wow ha! Mas nakakadiri ka naman. Ipupunas mo na nga lang yang kamay mo, sa madumi at mapawis mo pang damit ipupunas. Ew! Kadiri!" Arte ko.

"Tsk. Mabango kaya 'to. Amoyin mo pa!" Lumapit siya sakin at yayakapin niya na sana ako ng may nagsalita.

"Stop it Vinz." Napatingin naman si Vinz sa nagsalita, si Hans yun. After niyang tumingin kay Hans, tumingin ulit siya sakin.

"Pasalamat ka ms. Singit at mabait ako ngayon. Tara na guys!" Umalis na siya at iniwan niya akong nakatayo dun na iniisip parin ang nangyari. Did he saved me?

Napatulala muna ako ng kaunti. Grabe! Anong nangyari ngayon? Inaway ako ni Vinz tapos niligtas ako ni Hans.

"Uy Reshlyn! Okay ka lang? Nakatulala ka na diyan eh." Sabi ni Faith na wine-wave ang kaniyang kamay sa harapan ko to get my attention.

"Ah-sorry. Tara na!" Hinila ko na siya ng tuluyan at pumunta na kami sa classroom namin.

[After Class]


I thought of going to my locker to fix my things ng makakita ako ng another sulat sa locker ko.

*cute*

Ano ba ang mga ito? Medyo nakakainis na ha! Yung feeling kasi na hindi man lang sila nagpapakilala. Sinarado ko na ang locker ko at umalis na. Habang naglalakad may bigla na lang umakbay sa akin. Tinignan ko ito at si Hans lang pala yun. Medyo kinilig ako pero wala naman akong feelings kay Hans eh. Friend ko lang siya.

She Forget, I Remember || On-GoingWhere stories live. Discover now