|Reshlyn|
Nananatili pa din akong nakatingin sa kaniya. Bakit ganun? Hindi ko man lang magawang sumigaw sa kaniya. Eh ang dapat naman talaga sa kaniya ay pinagsasabihan. Ang daya niya kasi, hindi niya ba alam na pagod na pagod kami kanina tapos siya wala.
Napakurap naman ako ng isang beses at pagkadilat ko nakita ko yung mata niya. Ang ganda ng mata niya...
Tsk! Brrrrr! Ano bang nangyayari sayo Reshlyn?! Erase that! Sinamaan ko naman siya ng tingin, paano ba naman that annoying face na naman ang nakita ko. Sa sobrang inis ko sinigawan ko siya na sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ay feeling ko tumalsik na yung mga saliva ko.
Imbis na magalit siya, nakita ko naman siyang napangisi. Anong nginingisi niya dyan? Totoo na ba na tumalsik laway ko? Nagkunwari naman akong tatakluban ang bibig ko, pero ang tunay pinupunasan ko na siya para tignan kung may lumabas ba na laway.
"Ahmm... Baka matunaw kayong pareho ha..." Natauhan naman ako sa sinabi ng isa sa kabarkada ni Vinz.
Napatayo naman ako at inayos ang sarili. Nakita ko silang nakatawa. Ano bang nangyari? MGA BALIW!
Nakaramdam naman ako ng hiya kaya naisipan ko na lang na idaan sa pagsasalita ulit. "K-kanina ka pang hinahanap ni Hans! Lagot ka dun!"
After ko yung sabihin yun tumalikod na ako. Bakit ba ako nautal kanina? Sisigawan ko lang naman siya ah! Bumalik na ako sa puwesto ko at nakita ko naman na nakaupo na dun si Faith. Nagulat naman ako. Ang galing niya naman! Paano niya nalaman na dun ako nakaupo?
"Oh? Stalker ka ba Faith?" Napataas naman kilay ko nun.
"Inaano kita? Bestfriend mo ako, hindi mo ako stalker!" Ayan na naman siya. Tinarayan niya na naman ako.
"Ah nevermind!" Umupo na ako. Kinuha ko naman yung apple juice ko na naiwan ko sa table. Buti walang kumuha nito.
"Ganda ng view niyo kanina dun ha!" Napatingin naman ako kay Faith. Nakangiti siya sakin.
Seriously?! Maganda view? Ew! Kadiri!
"Kadiri ka! Si Jervin Alonzo po yung katapat ko kanina. Ew!" Irap ko sa kaniya.
Aasarin niya pa ako. Nako! Walang effect sakin yang pang-aasar niya sakin kay Vinz. Walang mararating yan. Kung si Kean na lang yung iniaasar niya, ayos pa! Napangiti naman ako sa naisip ko. Haha!
"Talaga lang ha? Ew? Kadiri?" Sabi niya na idini-dip yung fries niya sa ketchup.
"Talaga!" Kumuha ako ng fries sa kaniya.
"Hmm! Ew daw... Grabe ha, ang lakas naman ng pagkakasabi niya kanina..." Nagtaka naman ako sa ibinubulong niya. May sinasabi ba siya? Sino kausap niya dun?
Baliw...
Tumingin ulit ako sa puwesto nina Vinz kanina. Si Khizer at Oliver, inaasar siya samantalang yung isa niya naman kabarkada nakatingin lang sa direction ko.
Tumingin naman ako sa paligid ko tapos tumingin ulit ako sa kaniya. Nakita ko na lang na kumakain na ulit siya. Weird.
"So! Kamusta ang punishment?"
"Ayos lang..." Walang gana kong sabi sa kaniya.
"Oh, bakit malungkot ka?" Tanong niya. Huh? Ako malungkot? Hindi kaya!
"Hindi ako malungkot noh!" Sabi ko sa kaniya.
"Okay..."
*sigh*
YOU ARE READING
She Forget, I Remember || On-Going
Novela JuvenilMay bestfriend ka bang laging nandyan para sayo? May tao bang lagi kang tinutulungan? May tao bang may lihim na pagkakagusto sayo? May mga kakilala ka bang lagi kang tinatanong malaman lang ang status mo? May kinalimutan ka na bang bumalik na lang...