|Reshlyn|
Nakain akong mag-isa sa canteen. Wala kasi si Faith, busy siya sa project nila sa club. So I'm a loner sa ngayon.
Para akong nagi-emo dito sa canteen eh. Mag-isa tapos parang malungkot. Kasi naman walang makausap. Sino kayang matutuwa kapag wala kang makausap.
Ayoko din kasi ng masyadong malungkot kaya idinaan ko na lang sa pagkain. Isang matakaw na nilalang din ako eh. Hahaha!
Habang kumakain ng isa sa paborito kong pagkain, bigla na lang may tumabi sakin. Tinignan ko naman yun kung sino.
Muntik na lang akong mabulunan kasi ang gulat ko talaga kasi si Kean yung tumabi sakin. Lord! Ano pong gagawin ko? Bakit po ganito? Hindi po tuloy ako makakain ng ayos.
Medyo kinikilig ako kasi hindi talaga ako makapaniwala na si Kean yung katabi ko. Ewan ko ba, pero parang isang panaginip lang ito. Yung tipong hindi mo inaasahan na si crush tatabi pala sayo tapos kayo lang dalawa sa isang table. OMG! Pero wait lang Reshlyn, sabi mo wala ka pa diyan sa love-love na yan. Eh hindi naman ito love eh! Crush lang ito! Fangirl din ako! Fan ako ni Kean na sikat dahil sa napakagandang boses na meron siya, isama na yung kagwapuhan niya. Yung crush ko na sikat na youtuber!
Pero kalma ka lang Reshlyn. Nagpapanic ka na naman eh. Porket nakausap at nakatabi mo na si Kean, magwawala ka na? Kalma lang. Kalma...
Waaaaaaa!!!
Ang saya ko lang talaga kasi ang daming nangyayari ngayon, pero parang may anghel sa tabi namin ni Kean eh. Super tahimik! Wala kaming imikan. Paano ang awkward kaya nito.
AWKWARD.
Nabibingi na nga ako sa katahimikan eh. Siguro ako na lang gumawa ng first move, tutal crush ko lang naman siya at hanggang dun na lang yun. Magsasalita na sana ako kaya lang...
"Hi..." Binati niya ako.
Huhu! Naiiyak na talaga ako! Inunahan niya pa ako magsalita. Ano ba yan Kean!
"Ah, hello... Hehe!" Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Natatanga na talaga ako. Help!
"Mind if I sit here?" Ano ka ba Kean? Nagtatanong ka pa, eh nakaupo ka na. Hahaha!
Tumango na lang ako. Wala kasi akong masabi. Bakit kasi ganito? Minsan ko lang siyang makakausap bakit hindi ko pa magawang kausapin. Tsk!
"Ahm... Ano... Magaling ka maggitara di ba?" Bigla niya namang natanong. Hindi masyado!
"Ah marunong lang... Hindi gaanong magaling, hindi ko kaya yung level mo eh. Haha!" Tawa ko.
"Level ko?" Ano ba Kean? Pabebe ka pa eh.
"Ang galing mo kaya! Hahaha! Isa kaya ako sa subscriber mo."
"Talaga? Salamat! Eh ang alam ko magaling ka maggitara eh. Gusto sana kitang gawing partner." Seryoso ba siya? Langya? Baka kiligin ako eh!
"Hindi talaga ako magaling eh... Hindi pa ako masyadong marunong nung ibang chords." Tungo ko. Nakakahiya kaya.
"Turuan na lang kita! Libre lang, matuto ka lang!" Nakangiti niyang sabi sakin.
Turuan? Hindi ba kapag tinuruan ka maggitara, kalimitan kapag nagkakamali ka ng pwesto ng daliri, iko-correct yun nung teacher mo? So may pag-asang mahawakan niya kamay ko? Waaaaaa! Baka sumabog ako sa harap niya eh!
Hinawakan ko naman yung mukha ko, feeling ko namumula ako ng sobra-sobra gawa nung sinabi niya. Huwag ka namang ganyan Kean, pinapakilig mo naman ako eh. Haha!
YOU ARE READING
She Forget, I Remember || On-Going
Novela JuvenilMay bestfriend ka bang laging nandyan para sayo? May tao bang lagi kang tinutulungan? May tao bang may lihim na pagkakagusto sayo? May mga kakilala ka bang lagi kang tinatanong malaman lang ang status mo? May kinalimutan ka na bang bumalik na lang...