Chapter 11

29 4 0
                                    

|Reshlyn|

"Sino ang mataray??? Ako???"

Nagulat naman ako ng magsalita si yaya Luceng. Huhu. Lord! Ipakain niyo na ako sa lupa! Sorry na! Sorry!

Nakakatakot pala si yaya Luceng. Ayoko na!

"S-sorry po! Sorry po! Tinatanong ko lang po!" Sinabihan ko na kaagad siya ng napakaraming pasensya.

Tinatanong ko lang talaga.

"Ano ka ba ate? HAHAHA!" Napatingin naman ako kay Ashlyn.

"Hahaha! Pasensya na anak, niloloko lang kita. Haha!" Tawa ni yaya Luceng.

Ano ba yan? Joker naman pala itong si yaya Luceng eh. Akala ko mataray na talaga. Nakitawa na lang ako.

"Oo nga pala, Ashlyn. Yung kaibi-"

"AH! OPO YAYA! SINABI KO NA SA KANIYA NA HINDI TULOY!" Sigaw ni Ashlyn.

Hinampas ko naman si Ashlyn sa braso. "Ang bad mo Ash. Huwag mong sigawan si yaya." Sabi ko sa kaniya.

"Aray ko naman ate. Hindi ko naman sinisigawan si yaya eh." Pout niya.

"Hindi sinigawan..." Sinamaan ko siya ng tingin pero pabiro lang naman.

Maya maya, umalis na si yaya Luceng. Natahimik na naman kaming magkapatid. Naalala ko na naman yung report ni Ashlyn na kanina ko pang hinihintay.

"Hoy Ash. Ang tagal naman nung kaklase mo. Kanina pa yan ah?" Simula ko.

"Eh ano magagawa ko ate? Ayaw naman magreply oh." Sabi niya.

Hay nako! Eh kailan pa matatapos yung report niya kung ganun katagal yung kaklase niya. Ito kasing si Ashlyn eh, hindi pa tinanong ng maaga.

"Ate! Magkwento ka nga. Kamusta na ikaw?" Ngiti niya sakin.

"At bakit mo naman natanong?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Masama ba magtanong?" Nabara pa nga ako eh.

Wala na akong choice. Kapatid ko naman ito. Wala namang masamang i-share ang mga nangyari sakin di ba?

"Kung makabara ano? Wala naman masyadong nangyari eh." Sabi ko sa kaniya.

"HAHAHAHA! Wala daw eh. Eh ano yung nangyari dun sa canteen? Yung natapunan ka ng maraming pagkain." She spit her tongue out.

Ano yun? Sa canteen?

TEKA?!

"Saan mo naman nalaman yun?!" Natataranta kong tanong sa kaniya.

Yung time kasi na natapunan ako ng pagkain sa canteen yung tinutukoy niya. Yung tinulungan ako ni Hans.

"Kay ate Fai, hahahahaha!" Ang daldal talaga ng bestfriend kong iyon. Palibhasa close sila ng kapatid ko.

"Wala yun!" Napa-irap naman ako sabay iwas ng tingin.

"Wala daw. Eh sino yung tumulong sayong lalaki?" Nanlaki naman yung mga mata ko.

She Forget, I Remember || On-GoingWhere stories live. Discover now