|Reshlyn|Inspired?!
Kanino??
Hala! Inspired na si crush. Taken na siya mamaya!!! Nakakaiyak! Pero wala pa rin akong karapatan magreact ng ganito. Fan lang kaya ako! Crush lang talaga tawag ko sa kaniya behind his back. I can't call him crush sa mismong harapan niya. Nakakahiya kaya.
Sino kaya yung girl? Sana maganda ugali, baka kasi mamaya ipagyabang niya pa na siya yung girl na gusto ni Kean Pivero. Nakakainis naman yung mga girls na ganun. Parang popularity lang hanap nila.
Okay sabihin niyo man na para akong judgemental pero totoo lahat ng sinasabi ko. Nakakayamot!
Scroll lang ako ng scroll, naghahanap ako ng mapapanood. Pero mas gusto ko ngayon ang makinig na lang kaysa sa manood. Mabibitin kasi ako kapag nanood, kasi baka may times na may biglaan akong gawin.
Trip ko ngayon ang makinig ng covers ni Kean. Yun na lang ang ginawa ko. Habang nakikinig ako ng kanta bigla na lang tumunog yung phone ko.
"Hello?" Sagot ko.
*Hoy Reshlyn! Nasaan ka? Tinataguan mo ba ako? Kapag ikaw talaga nahanap ko, lagot ka sa- KITA NA KITAAAA!!!* Sigaw niya.
In-end niya yung call kaya napatingin na lang ako sa phone ko.
"RESHLYN!!!"
Shit!
Ibinalik ko naman ang sarili ko sa laptop at agad na in-exit ang website na youtube. Makikita kasi ng bestfriend ko na si Kean ang pinapakinggan ko.
HINDI NIYA KASI ALAM!
"Hoy! Madaling-madali ka dyan?" Takang tanong niya.
My god!
"Ano kasi... Ano... Nanonood kasi ako..." Iwas ko ng tingin.
"What?! Nanonood ka?! My god Resh! What's happening to you??" Hala? Iba na naman nasa isip ng babaeng ito.
Pero may naisip naman ako...
"Faith! Sorry! Huwag kang maingay! Satin lang ito! Huwag mo ng paabutin sa kabila! Nakakahiya!" Iwas ko ng tingin.
Kita ko sa mukha niya na gulat na gulat siya. Sino ba naman kasing hindi magugulat kapag ang kaibigan mo ay nanonood ng ano...
"Hay nako Reshlyn... Oh sige! Basta ipangako mo sakin na hindi ka na manonood nung... Basta! Kung ano man yun!" Sabi niya.
Natatawa lang ako. Hahaha! Tumango na lang ako at kinuha ang laptop ko. Niyaya ko naman siya na samahan niya ako sa gym. May babalikan lang ako.
Hindi naman siya nakatanggi, kasi bestfriend niya din naman ako. Tsaka wala siyang kasama pag-uwi kapag iniwan niya ako.
[Gym]
Nakita ko ang cheerleading squad na nagpa-practice ng cheer nila. Sa half-court ay naglalaro ang basketball players. Siguro katuwaan lang.
Napahinto naman sa pagpa-practice ang cheerleading squad. Agad naman akong binati ni Jhill. Nakakahiya tuloy. Baka isipin niya na pinaasa lang siyang magkakaroon ng ka-member.
"Ano Jhill..." Tungo ko.
"Oh? Anong problema?"
"Hindi naman kasi talaga ako sasali eh. Sorry kung pinaasa kita. Pero wala talaga akong interes maging isang katulad niyo. I know maganda ang maging isang cheerleader, pero hindi ako bagay dyan at hindi ko kaya. Sana maintindihan mo..." Paghingi ko ng pasensya sa kaniya.

YOU ARE READING
She Forget, I Remember || On-Going
Teen FictionMay bestfriend ka bang laging nandyan para sayo? May tao bang lagi kang tinutulungan? May tao bang may lihim na pagkakagusto sayo? May mga kakilala ka bang lagi kang tinatanong malaman lang ang status mo? May kinalimutan ka na bang bumalik na lang...