Chapter 4

64 4 0
                                    

|Reshlyn|

"Nakakairita lang kasi ang yabang niya!" Inis kong sabi kay Faith.

"Baka naman ganun lang talaga siya?" Sabi ni Faith.

"Oo ganun siya! Mayabang!" Sa sobrang inis ko baka magmukha na akong gurang nito.

"Kalma lang Resh! Kaya mo yan." Natatawa niyang sabi.

Nakakainis naman talaga di ba? Yung tipo na nananahimik na yung tao tapos guguluhin lang ng lukong lalaking iyon! Tsk! Kung presidente nga lang ako ng school namin, siguro na shoot ko na yun sa basurahan. Ay! Napaka-bad ko naman masyado nun. Itutulak ko na lang siya sa kanal. Mas maganda dun.

Wala tuloy akong ganang matulog ngayon sa sobrang inis. Buti pa si Faith tulog na, samantalang ako, mulat na mulat pa! Medyo ang boring naman kapag nakatunganga lang ako dito. Ayaw ko namang maging tanga dito sa kwarto ni Faith dahil sa nakatulala ako. Naisipan kong lumabas muna ng bahay. Pero bago iyon, gising pa pala si tita Ellen.

"Oh? Reshlyn, saan ka pupunta?" Tanong ni tita Ellen.

"Ay tita! Gising pa po pala kayo. Lalabas po sana ako." Sabi ko.

"Haha! Kakalinis ko lang kasi ng kusina eh. Bakit ka naman lalabas? Baka kung ano mangyari sayo." Sabi ni tita.

"Nako tita! Magpapahangin lang po sana ako. Hindi din po kasi ako makatulog eh. Pede po ba akong lumabas? Hindi naman po ako lalayo." Paalam ko.

"Oh siya sige! Basta ipangako mo sakin na dyan ka lang sa malapit sa bahay. Huwag kang lalayo at delikado sa ganitong oras." Payo niya.

"Opo tita! Sige po, labas po muna ako." Sabi ko sabay labas ng bahay. Buti na lang pinayagan ako ni tita.

Naglalakad ako sa daan, mag-isa. Medyo nakakatakot nga, pero syempre, big girl na ata ako. Kaya ko na ang sarili ko. But still, ang creepy dito kina Faith. Kokonte lang yung street lights and I can't see the way clearly. Yung ibang street light kasi pundi na, nagbi-blink na sila.

"Ahhhhh!!!" Kinilabutan ako after kong marinig ang sigaw ng isang babae.

Shit! Tumaas yung mga balahibo ko sa braso. Binilisan ko naman ang lakad ko at tumigil muna sa isang puno kung saan bushes yung katabi niya. Hingal na hingal ako. Napansin ko na parang may bumabato sakin. Tumingin ako sa paligid ko pero wala namang tao. Ano ba ito? Natatakot na ako. Bumato ulit ito, this time nakita ko itong galing sa punong katabi ko. Kinuha ko ang phone ko at binuhay ang flashlight, I pointed it to it and...

"AHHHHH!!!" Napasigaw ako at ramdam kong hinahawakan ako ng multo. Hinampas-hampas ko ito.

"Ouch!" Napamulat ako ng marinig kong nasaktan ang multo. Foreigner pa ata ito, 'ouch' daw eh.

Hinampas ko ulit ito kaya lang hinawakan niya na ako sa kamay. Itinapat ko ulit sa kaniya ang flashlight ng phone ko at super nanlaki naman ang mga mata ko. SI VINZ! Ano namang ginagawa ng lalaking ito dito sa subdivision kina Faith? Gabing- gabi na at gala parin ito! Sabagay bulakbol naman ang mga lalaki.

"What are you doing here?!" Tanong ko.

"Wala! Bakit masama na ba tumambay dito?" Cold niyang sabi.

Grabe din itong si Vinz eh. Medyo paiba-iba ang ugali niya. Nung isang araw, super gentleman niya, sa kabaliktaran... Kahapon naman, ang bait-bait kasi gusto niya ako isakay sa kotse niya at ihahatid ako, pero grabe palabiro din pala siya. Tapos may time din na ang yabang niya. Tapos ngayon, ang cold niya? Grabe lang ha! Hindi na nga kami close ang dami pang ugali niya ang ipapakita sakin, I don't need him. Duh!

She Forget, I Remember || On-GoingWhere stories live. Discover now