|Reshlyn|
"Reshlyn.... Hoy Reshlyn!!!" Nagulat naman ako ng sumigaw si Faith sa harapan ko.
"Bakit?" Tanong ko.
"Aba! Eh kanina ka pa diyang natutulog! Kitang ito ay Library at hindi hotel! Kanina ka pang pinapagising sakin ni Miss Garcia." Sabi sakin ni Faith.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa library. Ang lamig kasi sa library, sino kayang hindi makakatulog dito ng mahimbing? Tapos ang tahi-tahimik pa. Nais ko sanang matulog ulit kaya lang nakatikim ako ng sapok sa bestfriend ko. Medyo masakit!
Tumayo na ako at sinunod na lang ang bestfriend ko. Baka mamaya, masaksak na ako nito. Ayaw ko pa mamatay.
Napansin ko lang yung upuan sa tabihan ko. Ang pagkakaalam ko kasi nakaayos yun simula't umupo ako dito kanina. Pero ngayon nakalabas na siya sa table. Ah! Si Hans nga pala yun. Naalala ko nga pala na katabi ko lang siya kanina. Sinagasaan ko pa nga pala siya dahil nung librong 'The Fault In Our Star' na binabasa niya kanina. Kainggit lang kasi ang ganda ng libro na yun. Pero wala na akong pake kasi napanood ko na yun, hehe.
"Oh! Hinulog mo pa yung bigay sayo na jacket!" Pabiro naman akong hinampas ng jacket ni Faith.
"Kanino galing?" Binigyan niya na lang ako ng ngiting nakakaloko. Tignan mo itong babaeng ito. Nagtatanong ako, hindi yung parang nagsalita lang ako at walang kwenta ang sinabi ko.
"Nice talking..." Dagdag ko.
Tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa niya. Napaka ano talaga nitong bestfriend ko. Ipinatong ko na lang yung jacket sa table na katabi ko at nagpaalam kay Faith.
"Ibalik mo na lang yan sa nagbigay, tutal kilala mo naman. Pakisabi na lang salamat!" Kumaway ako sa kaniya at lumabas na ng library.
I look at my schedule...
Music na pala ang next class namin. Buti na lang may 15 minutes pa akong natitira. Pero dahil ayoko naman ma-late dumiretso na agad ako sa room. Pero wala pa ako sa half ng dadaanan ko papunta dun ng...
"Uy Reshlyn!" tawag sakin ni Jhill.
Isang classmate ko from English class.
"Yes Jhill?" tanong ko.
"May kilala ka bang magaling sumayaw at tsaka yung marunong mag-balance?" nag-aalala niyang sabi sakin.
"Ahm, wala eh. Si Faith kasi hindi yun marunong magsayaw. Nahihiya yun eh." Sabi ko sa kaniya which is true naman. Tatlong bibe pa nga lang hindi niya na kaya, kasi instead of acting like a duck she's acting like a dog. Joke lang! Ang bad ko talaga sa bestfriend ko. Hindi talaga siya marunong sumayaw pero masipag yan sa lahat.
"Awww... Ano ba yan! Wala na kaming mahanap." malungkot niyang sabi.
"Bakit? Para saan ba yan Jhill?" Aba na-curious naman ako dun.
Bigla namang dumating si Hans. Kaklase ko nga pala siya sa Music class. Ngayon ko lang naalala. Nakita ko na naman yung napaka-cute niyang ngiti. Well, ang cute naman kasi talaga eh.
"Hey Reshlyn! Hey Jhill!" bati niya.
"Hi Hans." ngiti ni Jhill.
"Wait? Magkakilala kayo?" Tanong ko.
"Hello ha!!" ~Hans.
"Ay sorry! Hello pala Hans..." Nakalimutan lang mag "hi" eh. Tsk.
"Hahahaha! Yes! Last year pa kaming magkakilala." Tawa ni Hans.
"So para saan nga yung hinahanap mo girl?" tanong ko ulit kay Jhill.
YOU ARE READING
She Forget, I Remember || On-Going
Novela JuvenilMay bestfriend ka bang laging nandyan para sayo? May tao bang lagi kang tinutulungan? May tao bang may lihim na pagkakagusto sayo? May mga kakilala ka bang lagi kang tinatanong malaman lang ang status mo? May kinalimutan ka na bang bumalik na lang...