Chapter 2

104 4 0
                                    

|Reshlyn|

"Akin lang siya! Hindi siya karapatdapat na magkagusto sayo!" Galit na sabi ng isang babae. Hindi ko siya kilala eh. Pero galit na galit siya sakin. Tsaka sinong may gusto sakin? Wala ngang nagkakagusto sakin. Panget panget ko kaya, magtaka nga siya.

"Bakit ba siya nagkagusto sa panget at bruhang katulad mo?!" Sigaw niya. Halos pinapanood na kami ng mga estudyante sa school namin. War?

"Teka, teka lang. Panget tanggap ko pero bruha? No way! Ang ayos-ayos ng buhok ko tapos ako bruha? Ibang usapan na ata ito." Kumunot tuloy ang aking kilay sa pagkakarinig ko ng 'Bruha thingy' na iyon. Ang sakit lang ha?

"Pwes! Guguluhin ko yang maayos mong buhok!" Papalapit na siya sakin at kukuhain ang buhok ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naisipan ko na lang magtaklob ng mukha, baka kasi mukha ko yung ma-damage, sayang naman.

"Ouch! ****** what are you doing?!" Sabi nung babae. May binanggit siyang pangalan pero bigla akong walang narinig sa part na yun.

"That is the reason why I don't like you. You always got into a fight just because of your insecurities. Stop hurting her and leave her alone!" Sabi nung lalaki. Tinulungan niya ako at hinila ako palabas ng big crowd.

Habang naglalakad kami sa hallway, pinagmamasdan ko siya kahit hindi ko masyadong kita ang kaniya mukha. Side view lang, charot! Pinaupo niya ako sa isang bench. Umupo din siya sa tabi ko at tinignan ako.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin.

"Ah-oo." Utal kong sabi.

Hinawi-hawi niya ang buhok ko tapos niyakap niya ako. Shit! Ano itong nararamdaman ko? Sino ba siya? Ilang segundo lang at umalis na siya sa pagkakayakap tapos tinignan niya ako sa mata ko. Hala?! Anong ginagawa niya? Papalapit na yung mukha niya sakin. HALA! STOP! WAHHHH!!!

"RESHLYN!" Nagising ako sa narinig kong sigaw ni stepmother.

"Anong ginawa mo kay Quinn?!" Sigaw niya sakin habang papalapit ng papalit sakin.

"What did I do?" Tanong ko.

"You pinched her on her arms and it turned violet!" Kinurot niya din ako sa arms ko. Shit! Ang sakit! Ang haba kaya ng kuko niya.

"ARAY!" Mangiyak-ngiyak na ako sa sobrang sakit. Hindi ko naman siya kinurot eh.

After akong kurutin ni stepmother, nakita kong nakangiti si Quinn. Napakasinungaling talaga nun. Argh! Ako pa ang umiiyak ngayon sa sakit ng kurot ni stepmother.

~~

"Ate! Huwag ka ng umalis." Iyak ni Ashlyn.

"Hindi pede Ash. Kailangan ko munang umalis. Babalik naman ako eh." Sabi ko sa kaniya.

"Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Isama mo na lang ako." Sabi niya.

"Hindi pede eh. Walang kasama si daddy." Sabi ko.

"Kaysa naman sa kasama ko sina stepmother." Iyak niya ulit.

"Huwag ka mag-alala. Pagkabalik ko promise! Sasabihin ko lahat kay daddy ang nagyari. Basta sabihin mo kay daddy na kayna ate Faith mo muna ako ha!" Sabi ko sa kaniya at kiniss ko siya.

Habang naglalakad sa sidewalk, may bigla na lang kotseng bumusina sakin.

"Ay putek!" Napasabi tuloy ako ng PUTEK.

Dumiretso ang kotse at huminto din siya. Nakakunot ang aking kilay habang naglalakad papalapit sa kotse. Binaba naman ng driver ang bintana at ngumiti. Shit! Yung lalaking nasa cafeteria.

She Forget, I Remember || On-GoingWhere stories live. Discover now