|Reshlyn|
Kakagising ko lang.
9:00 na pala. Late na din pala akong nagising. Wala namang pasok. Buti na lang at Saturday ngayon.
Bumangon na ako at dumiretso sa bathroom. Dito nga pala ako natulog sa bahay. Hindi naman kasi umuwi yung dalawang witch. Pati nga si daddy, hindi na nakauwi. Siguro sa office na naman niya, siya nakatulog.
Kami lang nina yaya Luceng at Ashlyn ang naiwan sa bahay. Hindi din alam ni daddy na andito ako sa bahay. Baka kasi bigla niyang masabi kay step-mom na nasa bahay ako. Ayoko namang mag-alala si daddy, hindi pa kasi ito ang time para sabihin kay daddy ang problema namin kina step-mom.
After kong maghilamos at mag-toothbrush, bumaba na ako papuntang kitchen. Nakita ko naman si yaya Luceng na nagluluto. 9:00 na ha! Bakit nagluluto pa si yaya? Eh late na din naman ah? Kung pang lunch naman yun, ang aga naman ata.
"Oh! Reshlyn, gising ka na pala!" Napansin niya ako.
"Good morning yaya!" Bati ko sa kaniya.
"Yaya. Bakit ang aga niyo atang magluto ng lunch?" Tanong ko sa kaniya.
Ang aga naman kasi talaga eh. Kawawa din naman siya kasi konti pa lang yung pahinga niya.
"Ah! Hindi ito pang lunch, Reshlyn." Sabi niya sakin na nakangiti pa habang nagluluto.
"Eh para saan po yan yaya?" Tanong ko ulit.
"Para sayo 'to. Breakfast mo." Sabi niya.
Hala! Nagulat naman ako. Nag-abala pa si yaya. Kaya ko na naman magluto eh.
"Hala yaya Luceng! Ako na po magluluto niyan! Nag-abala pa po kayo eh." Kinuha ko yung hawak niya tapos ako na mismo ang nagtuloy ng ginagawa niya.
Nakakahiya naman kasi. Dapat kasi hindi na ako nagpa-late ng gising. Si yaya Luceng pa tuloy nagluto ng pagkain ko. Tsk.
Tatanggi pa dapat si yaya pero hindi ko na hinayaan na maagaw niya pa sakin ang ginagawa niya. Ayos lang naman na ako ang gumawa at kumilos dito sa bahay. Yun nga lang, sa ngayon hindi ako nauwi dito sa bahay.
Tinuloy ko na ang nilulutong over hard egg ni yaya. Bakit nga pala alam ni yaya yung favorite ko? Mas prefer ko kasi yung buo yung yolk kaysa sa scrambled egg. Sawa na kasi ako sa scrambled egg. Agad akong pumunta sa dining room. Doon ko nakita na may fried rice pa lang naka hain. Egg and fried rice. Perfect match!
Habang nakain ako, bigla namang dumating yung magaling kong kapatid.
"GOOD MORNING ATE!"
"ASH!!! AKIN YAN!" Kinuha niya kasi yung ulam ko eh. Huhuhu!
"Pahingi naman ate hahahaha!" Tawa niya. Pahingi daw, eh halos half ata ng egg ang nakuha niya. Dinamay niya pa yung yolk. Favorite part ko yun eh!!
"I hate you!"
"Too!" Ngiti niya.
Aish! Ang baliw naman talaga ng kapatid kong ito. Tinapos ko na lang yung pagkain ko. After ko namang hugasan yung pinagkainan ko, bigla ko na lang naramdaman na si Fluffy pala nasa tabi ko. Umaakyat siya dun sa binti ko.
"Aw... Yung baby ko gusto makipag bonding sakin. Gusto mo gumala?" Binuhat ko naman siya at pumunta kami sa room ko.
Kinuha ko yung leash niya tapos isinuot ko sa kaniya. Para hindi ako iwan ni Fluffy, hindi tulad niya na nang-iwan. Hay nako! Ano bang pinagsasasabi mo Reshlyn? Bumalik ka nga sa sarili mo! Kaloka!
YOU ARE READING
She Forget, I Remember || On-Going
Fiksi RemajaMay bestfriend ka bang laging nandyan para sayo? May tao bang lagi kang tinutulungan? May tao bang may lihim na pagkakagusto sayo? May mga kakilala ka bang lagi kang tinatanong malaman lang ang status mo? May kinalimutan ka na bang bumalik na lang...