|Reshlyn|
Tumayo na ako at hinila si Faith palabas ng cafe. Mas maigi nang magpakalayo sa Khizer na yun.
Argh! Bakit ba ang epal-epal talaga nilang boys? Nakakainis eh.
Tignan mo! Yung feeling na masaya na dapat yung araw na ito dahil minsan lang kayo mag-usap ng kaibigan mo tungkol sa isang bagay na katulad nun. Tapos bigla na lang may susulpot at eepal sa inyo.
"Bakit ka ba nanghihila Resh?" Tanong ni Faith sakin.
"Ang epal kasi nung Khizer na yun! Sagabal sa date nating magbestfriend." Inis kong sabi sa kaniya habang papunta ako sa may restroom sa labas. Naghugas muna ako ng kamay.
"Hayaan mo na yun." Sabi niya.
"Eh bakit parang magkakilala na kayo? Kung maka hey siya sayo parang close kayo." Sabi ko sa kaniya.
"Eh hindi naman kasi talaga kami close eh... Kahapon lang kami nagkakilala." Pout niya.
Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Pauwi na kasi kami ni Faith.
...
Ilang oras na ang lumipas at nandito na rin kami sa waiting shed. Pinipilit ko si Faith na sa jeep na lang kami sumakay pero ayaw niya. Gusto niya sa bus pa. Tumunog naman yung phone ko at nakita ko na may message pala ang kapatid ko.
From: Ashlyn
Hoy ate! Can you teach me how to dougie? Joke lang! Punta ka dito mamaya. Patulong ako sa report namin. Please!To: Ashlyn
Eh andyan ba sina step-mom?
Agad naman itong nagreply.From: Ashlyn
Papapuntahin ba kita dito kung nandito sila? Di ba nga alam kong ayaw mo umuwi dahil nila. Syempre wala sila ngayon.
Oo nga ano? Wala na akong sinabi pa kundi okay lang. Pagkatapos naman ng conversation namin ng kapatid ko bigla na lang akong hinawakan ni Faith sa wrist ko. Napatingin naman ako sa kaniya. Kaya naman pala, may bus na parating.Huminto naman yung bus sa tapat namin.
"Tara! Sakay na tayo!" Hinila niya ako pasakay ng bus.
Ka-kaunti lang naman yung nakasakay sa bus. Sa bandang pagitna, bigla na lang huminto si Faith.
"Oh bakit?" Napatingin naman ako sa kaniya. Naramdaman ko naman na humigpit yung pagkakahawak niya sa wrist ko. "Aray ko naman... Bakit ba?" Ang sakit kasi ng pagkakahawak niya.
Tumingin naman ako dun sa tinitignan niya. Nakita ko na lang ang isang lalaki na nakaupo sa left side na upuan sa may bandang gitna ng bus. Naka-earphone siya at nakatingin lang sa may window.
Tinignan ko ulit si Faith. Ganun pa rin reaksyon niya. Medyo awkward na nga kasi hindi pa kami naupo.
"Miss, pede po bang paupo po? Kanina pa po kayong nakatayo diyan eh. May nanonood po kasi, nakaharang po kayo." Sita nung bus driver.
"Ay! Pasensya na po." After kong sabihin yun, hinila na naman ako ni Faith. This time umupo kami sa kabilang side na katapat ng inuupuan nung lalaking tinitignan niya.
Ano bang problema nito?
Tinignan ko na naman siya. Nababaliw na ba siya???
Masyado na siya eh. Tinititigan niya na eh! Grabe si Faith, parang walang nakakakita sa kaniya. Grabe makatitig.
YOU ARE READING
She Forget, I Remember || On-Going
Fiksi RemajaMay bestfriend ka bang laging nandyan para sayo? May tao bang lagi kang tinutulungan? May tao bang may lihim na pagkakagusto sayo? May mga kakilala ka bang lagi kang tinatanong malaman lang ang status mo? May kinalimutan ka na bang bumalik na lang...