|Reshlyn|
"It's you Reshlyn!" Masaya niyang sabi sakin.
"Excuse me? Anong sinasabi mo Jhill?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Sabi ko ikaw yung sinabi ni Hans na magaling magsayaw." Nakangiti niyang sabi.
Anong sinasabi nito? Medyo baliw itong si Jhill. Tsaka anong si Hans? Eh hindi pa nga ako nakikitang sumayaw ni Hans at kakakilala pa lang namin this past few days.
"Baliw! I can't dance!" Kunot-noo kong sabi.
"I know you can and I know you will!" Hinila niya ako.
Anong problema nito? Ayaw kong sumayaw! Nakakahiya eh! Lagot sakin yung si Hans. Nagawa niya pang mag ditch ng class sa music. Ano namang ginawa nun? Siguro natatakot siyang magpakita sakin dahil nung sinabi niya. Patay sakin yun!
[Gym]
"Okay cheerleaders! This is our new member." Sabi ni Jhill na itinulak pa ako sa gitna ng cheerleaders.
Ano ba ito?
"H-hello..." Ano ba kasi itong ipinasok sakin ni Hans.
"Yan yung bago natin?" Tanong nung isang lalaki.
"Yup! Magaling yan magsayaw." Sabi ni Jhill.
Jhill kasi! I can't dance nga eh. Ayoko sumali sa cheerleading. Pede bang magback-out? Pero nakakahiya naman. Hala!
"Ano? May gagawin pa kasi ako Jhill... Pede na ba akong umuna?" Tanong ko.
"Ah sige!"
Yes! Makakaalis na ako.
Agad naman akong umalis dun. Baka mamaya magbago pa isip ni Jhill, mapasayaw pa ako dun. Ayos lang naman akong magsayaw eh, pero sa pagiging isang cheerleader, NO WAY! Hindi ako interested.
......
Gumagala na naman ako. Hinahanap ko kasi yung walang hiyang Hans na yun! Argh! Because of him, mapapasali pa nga ako sa isang bagay na hindi naman ako interesado.
Naglalakad ako sa corridor ng makita ko si unggoy na nakasandal sa may locker with his barkada. Napabilis naman ang paglalakad ko ng makita ko si Hans na nasa tabi niya.
"HAHAHAHAHA! Ang cute-"
"Hoy!" Sigaw ko kay Hans.
Nagulat naman siya ng sigawan ko siya. At last nakita ko na din ito!
"Hoy! Anong sinasabi mo kay Jhill na magaling ako sumayaw?" Irap ko sa kaniya.
"H-huh? Wala kaya akong sinasabi..." Umiwas siya ng tingin.
"Huwag mo nga akong lokohin! Ayoko maging cheerleader!" Hampas ko sa kaniya pero pabiro lang naman.
"Aray! Sorry na." Napatawa naman siya.
Napatingin naman ako sa kaniya. Wait siya yun? Siya may-ari nun?
"Ang ganda naman pala eh." Napatingin ako sa nagsalita. Si unggoy.
"Huh?"
"Sabi ko ang ganda naman pala." Ulit niya.
"Ulol! Asa!" Irap ko sabay cross ng arms.
Ako pa lolokohin niya? Maganda daw... Tsk! Naka-drugs ata itong si unggoy.
"Oh? Bakit ka nagre-react? Hindi naman ikaw yung tinutukoy ko. Siya ang tinutukoy ko." Tingin niya sa likod ko. Nakita ko naman ang isang babae na nakatayo habang may kausap. "At ang panget mo kaya." Dagdag niya.

YOU ARE READING
She Forget, I Remember || On-Going
Ficção AdolescenteMay bestfriend ka bang laging nandyan para sayo? May tao bang lagi kang tinutulungan? May tao bang may lihim na pagkakagusto sayo? May mga kakilala ka bang lagi kang tinatanong malaman lang ang status mo? May kinalimutan ka na bang bumalik na lang...