|Reshlyn|
"Reshlyn! Hoy!" Napatingin naman ako sa kaniya.
"Nakakunot na naman yang noo mo tapos kung anu-ano binubulong mo diyan. Lalo kang napanget eh!" Sabi niya.
"Wow Faith! Ang ganda mo ha!" Tingin ko naman sa langit, pero biro lang naman yun. Haha!
"Matagal ko ng alam yun!" Sabi niya. Pwe! Kadiri ka Faith ha! Ang sinungaling mo pati! Haha! Joke lang! Maganda naman talaga yang si Faith eh. Mas maganda pa nga yan sakin, talagang mas mabait lang ako kaysa sa kaniya.
Nasa canteen pa kami, kumakain. Ang dami kasing in-order ni Faith. Ang tagal tuloy. Tapos na ako kumain, kaya naisipan ko munang pumunta sa comfort room. I'm going to pee. Sinabi ko naman yun kay Faith at tumango lang siya. So I stand up and go to the comfort room. Pagkadating ko naman dun, grabehan lang! Parang ang daming may masakit ang tiyan sa school. Ang baho ng girl's comfort room sa canteen! Grabe! Naisipan ko na lang na dun umihi sa isa pang comfort room sa school. Malayo-layo siya sa canteen.
Habang naglalakad, inilabas ko yung phone ko para i-text si Faith na baka matagalan ako. After kong i-text si Faith, nagkataon na nabuksan ko yung gallery. Halos kiligin ako ng makita ang mga pictures ng Thunders! Super crush ko kasi sila! Ang gwa-gwapo kasi tsaka ang ganda ng boses nila. Nakaka-in love lang. Sa sobrang kagagahan ko, may nakabungguan akong babae.
"Ouch!" Napatingin ako sa kaniya kasi grabe naman mag 'ouch'.
"Ay sorry po! Sorry! Hindi ko sinasadya." I apologized.
"Ang landi mo kasi! Huwag ka muna kasi makipaglandian sa boyfriend mo sa text! Kitang hallway 'to! Maraming nadaan. Hmp! Kaya may nabubunggo ka eh! Ang kire kasi!" Galit niyang sabi, nang-irap pa.
Aray ko naman. Nakikipaglandian daw ako sa boyfriend ko? Choss ate! Natingin lang ako ng photos, hindi ako nakikipaglandian! Baliw ata ito eh. Akala niya ata nakikipagtext ako, kasi naman ang laki ng ngiti ko. Akala tuloy kinikilig ako because of MY BOYFRIEND??? Wala nga akong boyfriend. Aber! Look before you speak! Langya ka! Lumalandi daw? Baka siya ang ganun. Ang layo ko naman sa malandi. Hindi ko na lang siya sinagot. Lahat ng yan ay isinaisip ko na lang. Baka kasi masabunutan ko pa 'to eh. Ayoko pa naman makipag-away.
Tumalikod na ako at iniwan siya, pero pagkalingon ko may nabunggo na naman ako. Grabe lang? National Bungguan Day ba? Sa chest pa naman ako nabunggo, nahawakan ko tuloy yung ano niya. Yung abs. Eek! Tumingala naman ako at shit naman oh!
"Yan kasi... Huwag lalandi." Sabi niya sakin na nakangiti ng nakakaloko.
"Uh! Excuse me Vinz. Hindi ako lumandi at hindi ako malandi. May tinitignan lang ako sa gallery ko when suddenly nabunggo ko yung babae." Paliwanag ko.
"Opo... Hindi ka na nga po malandi and by the way, kanino mo naman nalaman ang pangalan ko? I knew it! May gusto ka sakin. Nagtanong ka pa sa kaibigan ko, bakit hindi mo naisip na sakin na lang magtanong ng direkta? Sasagutin naman kita." Sabi niya. Wow! Ang yabang talaga nito!
"Siguro ginagamit naman ang pandinig ano? Hindi kasi bibig ang ginagamit ko. Tainga po. At narinig ko lang yun! Huwag kang assuming na gusto kita." Irap ko sa kaniya. Napapadalas tuloy ang pag-irap ko. Nakakainis!
"Okay ms. Singit! Hindi ako maga-assume. Haha!" Tawa niya. That word again. Bakit niya ba ako tinatawag na ganun?
"Can you please stop calling me singit? Nakakaano lang talaga at tsaka ano ba kasing ginagawa mo dito? Are you following me?" Ito naman ata ang may gusto sakin eh. Kahit saan ako pumunta nakikita ko itong unggoy na ito.

YOU ARE READING
She Forget, I Remember || On-Going
Teen FictionMay bestfriend ka bang laging nandyan para sayo? May tao bang lagi kang tinutulungan? May tao bang may lihim na pagkakagusto sayo? May mga kakilala ka bang lagi kang tinatanong malaman lang ang status mo? May kinalimutan ka na bang bumalik na lang...