Chapter 6

42 3 0
                                    

|Reshlyn|

Naglalakad ako sa hallway ng mag-isa lang. Kakadating ko lang kasi sa school at ito agang-aga, nagbabasa ng notes habang naglalakad. I know na ang panget tignan pero kinasanayan ko na siya. Wala na akong pakialam kung may mabubunggo ako, kasalanan na nila yun kasi sila ang nakatingin, hindi ako. Medyo bad girl!

"Hey!" Ayaw ko man lumingon ay ayaw ko naman siyang snob-in at maging bastos...

"Shoo!" Kaya pinaalis ko na lang siya.

Tuloy-tuloy parin ako sa paglalakad at pagbabasa ng maramdaman kong nakasunod pa rin siya sakin. Ano gang gulo nito? Kitang ako'y nagbabasa. Hindi ko na nga siya nililingon, sunod pa rin ng sunod. Medyo nainis na ako kaya hinarap ko na siya.

"Anong bang-" natigilan ako ng hilahin niya ako palapit sa kaniya. AHHH!!! Ang lapit ng mga mukha namin!

"Good Morning." Ngiting niyang sabi sakin. Si Hans nga pala yun.

Ayoko namang pagtinginan kami ng mga tao kaya tinulak ko siya palayo sakin. Ano bang problema ng lalaking ito? Alam ko naman na he's just being friendly, pero pede huwag naman masyado?

"Hmp!" Hinayaan ko na siya dun at nagpatuloy sa paglalakad.

"Wow Reshlyn! Wala man lang bang Good Morning too?" Narinig kong sabi niya. Medyo tinotopak din pala itong si Hans. Ayaw ko namang may magagalit sakin kaya binalikan ko siya.

"Good morning too!" Imbis na ngitian ko siya ay inirapan ko siya.

"Grabe ka naman Reshlyn. Ang sungit mo ngayon." Nag-pout pa siya.

"Ako nga'y tigil-tigilan mo Hans. May pa-pout-pout ka pang nalalaman. Baka saPOUTusin kita diyan eh." Inis kong sabi pero deep inside, utas na ako sa katatawa sa kaniya.

"Ay... Ang corny ng joke mo!" Tawa niya.

Tsk. May saltik din pala itong lalaksot na ito. Akala ko sobrang inosente nito, yung tipong laging may awa sa tao. Kaso sa tuwing may problema ako lagi na lang siya yung to the rescue. Pero grabe! May tama din 'to!

"Bye na nga! Pupunta pa ako sa second period ko." Iniwan ko na siya.

Baka kasi mamaya ma-late na naman ako, wala na akong idadahilan kasi hindi ko naman kasama si Faith ngayon. Iniwan niya kasi ako sa bahay...

Flashback

"Reshlyn! Gumising ka na!" Sigaw ni Faith.

"Ano ka ba naman Faith... Kitang nagbibilang pa ako ng tupa!" Nakakunot ang aking noo kahit sabihin ko yun ng nakapikit sa kaniya.

"Bahala ka na nga dyan!" Narinig kong sumarado ang pinto, wala na akong pakealam kaya natulog na lang ulit ako.

End Flashback

Medyo nakakapagtampo lang.

Pagkapasok ko sa room, nakita kong tahimik ang room namin. Hala! Patay na ako nito! Ito na nga ba sinasabi ko eh, late na naman ako. Bakit ba kasi lagi na lang akong late? Maaga naman akong pumapasok, naunahan nga lang ako ni Faith. Tuluyan na akong pumasok sa room ng makita kong nakatayo ang isang gwapo sa unahan ng room namin. Ay shit! Hindi pala gwapo! Mukha palang aso!

"What are you doing here?!" Sigaw ko.

"Nakaupo, obvious naman di ba?" Pamimilosopo niya.

She Forget, I Remember || On-GoingWhere stories live. Discover now