Chapter 18

25 3 11
                                    

|Reshlyn|

"Ano?! Galit sayo ang isang Jervin Alonzo?" Hindi makapaniwalang sabi ng bestfriend kong si Faith. Grabe! Ingay-ingay nito eh.

"Oo. May galit ang isang Jervin Alonzo sa isang Reshlyn Collins..." Napa-irap tuloy ako sa sinabi ko. Eh kasi naman. Nakakatanga lang kasi hindi ko talaga alam yung kasalanan ko dun sa unggoy na yun.

"Baka naman niloloko ka lang ng lalaking yan. Masyado kang nagpapaka-affected."

"Ako? Affected? Hindi kaya! Tsk!"

"Tignan mo... Hindi daw affected eh." Hay nako! Ito talagang bestfriend ko. Hindi ko talaga alam kung kanino kampi eh. Kung dun sa Vinz na yun o sa akin na sarili niyang bestfriend.

"Nevermind. Manahimik na lang tayong dalawa at kalimutan na lang yun." Sabi ko sabay pasok sa classroom namin.

Oo! Kanina pa akong daldal ng daldal dito sa hallway. Paano ba naman, iniisip ko yung sinabi ng mokong na yun. Yung kasalanan ko daw na hindi ko naman alam.

Siguro nga, niloloko lang ako ng unggoy na yun. Hay! Panira talaga ng araw eh. Madadala din yun! Hihingi din yun ng sorry sakin. Sino niloloko niya? May kasalanan? Ako? Hmp!

Umupo na ako sa upuan ko at inayos ang gamit ko. Naglabas ako ng notebook. Napansin ko lang, parang walang Faith na kumukulit sakin. Tumingin ako sa paligid ko, wala si Faith sa tabi ko! ASAAN NA YUN???

"GOOD MORNING CLASS!" Napa-ayos naman ako ng upo. Syempre dahil estudyante kami, tumayo kami at binati si Mrs. Gonzy.

...

Ilang oras na din kaming nakikinig sa klase ni Mrs. Gonzy pero nakakatamad talaga yung topic. Ayoko talaga ng topic namin ngayon. Sa sobrang tamad kong makinig ngayon sa klase ni Mrs. Gonzy, kinuha ko na lang yung notepad ko at naisipan na lang ulit mag-doodle. Yun na lang yung magagawa ko sa class eh.

It's so stupid to do this pero name na naman ni Kean ang naisip kong name para i-doodle. I think dahil super crush ko siya. Siguro naman hindi lang ako ang taong nagdu-doodle ng name ng crush niya.

Hindi naman kasi masamang magka-crush eh, ang masama ay ang ma-fall sa taong hindi ka naman sasaluhin. Hay nako Reshlyn! Ano na naman ba yang pumapasok sa isipan mo. Just focus on doodling. Talaga? Focus talaga?

Busy ako sa ginagawa ko ng bigla na lang nilipad yung paper na ginagamit ko. Pinunit ko kasi yung dinu-doodle ko. Yan tuloy, nilipad! Nakasunod lang ang mata ko sa papel na nilipad ng hangin, hinihintay ko kasi kung saan siya babagsak. Pero dahil minamalas nga naman ako ngayong araw...

"No...." Napatakip na lang ako ng bibig ng makita kong sa ilalim pa ng upuan ni Kean Pivero nahulog ang papel ko and the worst thing is name niya yung nandun!

WAH!!! Katabi ko pala siya!

Nakita naman yun ni Kean. Napatingin siya sakin at akmang kukuhain ang papel sa paanan niya.

WHAT THE FUDGE!!!!

"NO KEAN!" Napasigaw pa nga ako sa class.

Aw! Bakit kasi ganun! Bakit kasi sa kaniya pa bumagsak? Pede namang sa iba eh. Napakamalas talaga.

"Ms. Collins? Is there a problem?" Napatingin naman ako kay Mrs. Gonzy.

Agad ko naman akong tumayo at dinampot yung papel na nahulog. I don't care kung si Kean pa ang katapat ko, ang importante ay makuha ko yung papel.

"Ah! Kinuha ko lang po yung papel. Nandun po kasi yung homework ko sa English." Palusot ko. Para naman hindi nila mahalata na nandun yung name ni Kean. Ayoko pa naman malaman ni Kean yung pagka-crush ko sa kaniya.

She Forget, I Remember || On-GoingWhere stories live. Discover now