|Reshlyn|
Ugh!
Ang sama na ata ng pakiramdam ko ngayon. Super pagod ako kasi mahigit 2 hours naming ginagawa yung art work na ginagawa namin. Kailangan kasi pagandahan kami kasi sabi nga ni Tingh, pipili daw ang teachers ng pinakamaganda.
GUSTO KO MAPILI! I want prices and I love prices! Ano kayang klaseng price ang ibibigay nila at kailangan pang gawing surprise iyon? Madami talagang alam ang teachers namin.
Masaya na sana ako pero sinasabayan yun ng tyan ko. Gutom na ako! Huehue! Ikaw kasi Reshlyn, kanina pinapakain ka ni mama tapos ngayon dadaing ka na gutom ka. Kasalanan mo yan!
Para talaga akong zombie dito na gustong-gustong kumain ng brains este ng food pala. Pilit kong inilalakad ang mga paa ko makapunta lang sa canteen.
Nagulat na lang ako ng may tumulong sakin. Napatingin naman ako, medyo nanlalabo na yung paningin ko. Siguro dahil sa sobrang gutom. "Anong nangyayari sayo?" Tanong niya. I recognized his voice, si Tingh lang pala.
"Gutom lang ako Tingh." Inalis ko yung pagkakahawak niya sa braso ko.
"Hoy! Teka lang! Hindi mo kaya ng mag-isa lang." Sabi niya na hinawakan ulit ako sa braso.
"Hindi. Ayos lang ako. Kaya ko naman." Sabi ko sa kaniya.
"Alam mo hindi mo kaya yan." Aalalayan niya na sana ako pero parang bigla na lang akong lumipad. Hindi ko maramdaman ang mga paa ko na nakatungtong sa ground. Tinignan ko naman ang paligid ko at nanlaki na lang ang mga mata ko ng makita kong buhat-buhat na pala ako ni Vinz, bridal style pa.
"Ah! Vinz! Anong ginagawa mo?! Ibaba mo na ako." Nagising akong bigla.
"Put me down!" Sabi ko na hinahampas-hampas ang chest niya.
Hindi naman siya sumunod sakin at iniupo niya na din ako sa upuan sa canteen. Anong problema nito? Saan 'to galing at bigla-bigla na lang sumusulpot?
"Bakit mo yun ginawa?!" Gulat kong sabi sa kaniya.
"Tinulungan na nga kita, ikaw pa nagrereklamo. Thank you!" Smirk niya.
"Aish! Eh kasi naman, sabing kaya ko na mag-isa." Inis kong sabi sa kaniya.
I don't need their help. I can do it alone. Bigla niya naman akong binuhat. "WAH! Saan mo ako dadalhin?" Sigaw ko sa kaniya.
"Ibabalik kita sa pinanggalingan mo." Seryoso niyang sabi.
"WAH! Joke lang! Joke lang! Hindi na! Hindi na! Thank you! Thank you! Thank you!" Nakapikit ko ng sabi sa kaniya.
Naramdaman ko naman na ibinaba niya na ako. Napamulat naman ako at nandun na ulit ako sa inuupuan ko kanina. Tinignan ko naman si Vinz at tawa naman siya ng tawa.
"HAHAHAHAHA!! LOOK AT YOUR FACE!" Tawa niya.
Napatingin naman ako kay Tingh na nasa tabi niya. Nagpipigil din ng tawa.
"Argh! I hate you Jervin Alonzo!"
"I love you too!"
Napahinto naman ako sa sinabi niya. A-no daw? Did he just....
May naramdaman na naman akong ibang feeling. Tumitibok ng mabilis ang puso ko. Ano ba! Stop it!
"A-ano?" Yan na lang ang nasabi ko.
"Huh? HAHAHAHA! I love you too sa kabaliktaran! Huwag ka nga mag-assume. Ayaw mo muna kasi akong patapusin eh!" Tawa niya.
Napahiya naman ako dun. Hehehe. Ang tanga mo naman Reshlyn! Nagpadala ka masyado sa simpleng 'I Love You'. Nag-assume ka naman na may ibang ibigsabihin yun.
YOU ARE READING
She Forget, I Remember || On-Going
Teen FictionMay bestfriend ka bang laging nandyan para sayo? May tao bang lagi kang tinutulungan? May tao bang may lihim na pagkakagusto sayo? May mga kakilala ka bang lagi kang tinatanong malaman lang ang status mo? May kinalimutan ka na bang bumalik na lang...
