Chapter 19

9 3 3
                                    

|Reshlyn|

Ang gulo ng mga estudyante ngayon. Ang iingay nila habang ine-enjoy ang break time namin. Magpapahangin nga ako pero I'm sure hindi ko rin mafi-feel kung ganito kaingay sa paligid ko.

Sawa na naman ako sa library, tsaka hindi rin ako makakatulog dun. Madami ngayong nasa library kasi narinig ko sa classmates ko pupunta sila dun gawa ng assignment nila sa English.

Buti tapos na ako sa homework namin. Pero saan kaya makatambay ngayon? Gusto ko sana yung mahangin eh..

AH! Alam ko na!

Tiningnan ko ang relo ko. Oo nga pala, may free time kami ngayon. So may 1 hour pa kami. Tinakbo ko na yung tatamayan ko. Gusto ko kasi magtagal ako dun. Hihi.

Pagkabukas ko ng pintuan, halos sinalubong ako ng napakasarap na simoy ng hangin. Gusto ko tuloy humiga dito. Ang sarap lang sa feeling nung fresh air.

Ang tahi-tahimik pa dito sa rooftop ng building namin. Buti na lang walang tao dito. I'm free to do anything. Mag-isa lang kasi ako at walang makekealam sa gagawin ko.

Buti nadala ko yung bag ko. Kinuha ko yung mga notebook ko tapos yung case ko. Magda-drawing na lang ako, pampalipas ng oras.

Maya-maya parang may ibong humuhuni sa tabi-tabi. Pero hindi naman mismong ibon yung kumakanta. Ang ganda ng boses eh. May kung ano man ang nagtayo sakin at sinundan ko ang boses na yun.

Malaki din kasi yung building namin kaya malaki din rooftop niya. May mga bakal din na nakalagay dun kaya yung ibang sides hindi kita.

Habang nararamdaman ko na papalapit na ako ng papalapit dun sa kumakanta parang may bigla namang pumasok sa tenga ko.

Teka? Parang familiar yung voice na yun.

Tinignan ko naman agad yung sa kabilang side ng parang tanke. Nakita ko lang naman ang likod ng isang lalaking naggigitara. Hindi ko masyadong makita yung face niya kasi kapag sumilip ako makikita niya ako. Eh nakakahiya naman kapag nakita niya ako, baka sabihin stalker pa ako.

"To the way you smile, to the way you look.. You captured me, unlike no other..." Kumakanta siya ng Over and Over Again. Ang ganda ng kantang yan eh!

Napapakanta tuloy ako pero sa isip lang. Baka kasi mahuli niya ako. Pero familiar talaga yung voice niya eh.

*pluck!*

WAH! PATAY!

Ayos na sana eh kaya lang may naapakan ako. Huehue! I'm dead! Dahan-dahan naman akong umalis dun ng nagsalita na lang siyang bigla.

"Who's there?"

"Meow?" kunwaring pusa...

ANG TANGA! MEOW WITH A QUESTION MARK?!

Hala! Patay! Tumayo na ako. Wala na akong pake kung makita niya ko. Huwag niya lang talagang makita pagmumukha ko. SUPER NAKAKAHIYA! Pero bago pa ako makatakbo, hinawakan niya yung braso ko tapos iniharap niya ako sa kaniya.

Napapikit naman ako sa sobrang takot.

"WAH! RAPIST! RAPIST!" Lord ayoko po ma-rape! Please help me!

"Grabe ka naman Reshlyn... Rapist kaagad?" Napamulat naman ako.

OMG! No way!

Inalis ko tuloy yung kamay niyang nakahawak sa braso ko. Huehue! Baka mahalata niyang namumula't kinikilig ako. I can't let him know it.

"A-ah.. Sorry! Ang OA ko lang talaga! Hehe." Iwas ko ng tingin.

"So what are you doing here?" Tanong niya.

She Forget, I Remember || On-GoingWhere stories live. Discover now