|Reshlyn|
"Reshlyn? Reshlyn?" Naiinis naman ako dito eh. Sarap-sarap ng tulog ko tapos manggugulo na lang sila.
"Sige Reshlyn! Kakabigay lang sayo ng punishment kahapon tapos magpapalate ka sa first day ng project niyo?" Bigla naman akong bumangon. Naalala ko na first day nga pala ngayon!
Agad naman akong naligo at nagbihis para sa school. After all of that, kinuha ko na yung bag ko tapos bumaba ako sa baba para kumain. Dun ko nakita sina tita Ellen at ang bestfriend kong si Faith.
"Good morning tita! Good morning Faith!" Bati ko sa kanila.
"Reshlyn! Don't call me tita! Starting today, mama na rin ang tawag mo sakin. Anak na din kaya kita! Tsaka para namang wala tayong pinagsamahan ano." Natawa naman ako sa sinabi ni tita Ellen.
"Sige po tita!" Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Mama pala hehe!" Ngiti ko tapos ngumiti din siya.
Napangiti na din si Faith kasi hindi niya inaasahan na sasabihin yun ni mama sakin. So parang bumalik lang ako sa dati eh. Na miss kong magsabi at tumawag ng mama. Buti na lang talaga mabait si tita Ellen at hinayaan niya akong tawagin ko siyang mama. Tinituring ko na talaga siyang second mom ko. Kasi matagal na kaming magkaibigan ni Faith. Tapos close yung family namin.
Nung time na buhay pa si mommy, parang bestfriends na din sila ni mama. Kaya ayan! Ganiyan si mama sakin. After namang mamatay ni mommy, dun ko nakita na matibay pala talaga ang friendship nila ni mama. Katulad ni daddy, hindi tanggap ni mama na nawala na si mommy. Pero ngayon, I'm so glad dahil maayos-ayos na silang pareho.
"Finished!" Sigaw ko. Para tuloy akong bata. Ang sarap kasi nung breakfast eh. Nagluto si mama ng pancakes.
"Sige! Mama! Aalis na po kami!" Paalam ni Faith. Tapos kiniss ulit namin siya sa cheeks.
...
Habang naglalakad
"Oo nga pala! Reshlyn sasama ka sa birthday party ng pinsan ko ha!" Sabi niya.
"Sinong pinsan naman yan?" Tanong ko.
"Si Ethan. Magagalit kasi sakin yun eh kapag hindi ako pumunta. Sakit pa naman manapak nun." Sabi niya na parang inaalala niya yung ugali nung pinsan niya.
"Pero mabait naman siya hahahahaha!" Ngumiti naman ako.
Syempre sasama ako. Alangan namang maiwan ako sa bahay mag-isa. Wala namang akong pupuntahan.
"Kailan ba yan?" Tanong ko ulit.
"Yung birthday niya alam ko next month." Matagal pa pala eh.
Grabe naman siya mag-imbita. Hahaha! Matagal pa pala. Baka mamaya hindi naman pala magpapa-party yung pinsan niya eh. Hahaha!
Pagkapasok pa lang namin ng gate. Nakita ko na kaagad si Vinz. Napatingin siya sakin pero emotionless lang. Ano bang problema nito? Ang sarap na talaga batukan nito. Hindi ko naman inaano eh.
"Bakit ang sama ng tingin sayo ni Vinz?" Tanong ni Faith.
"Malay ko dun. Wala naman akong ginagawa sa kaniya eh. Tsk!"
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hahanapin ko sana si Hans para malaman kung saan kami unang pupunta para mapag-usapan yung gagawin sa The Finest. Papasok na sana ako sa entrance ng may magsalita.
"Ehem! Uso tumulong!" Napatingin naman ako sa likod ko.
Nakita ko si Zonia. May hawak siyang mga paso. Napatingin naman siya at tinarayan ako. Ako ba yung pinaparinggan niya?

YOU ARE READING
She Forget, I Remember || On-Going
Teen FictionMay bestfriend ka bang laging nandyan para sayo? May tao bang lagi kang tinutulungan? May tao bang may lihim na pagkakagusto sayo? May mga kakilala ka bang lagi kang tinatanong malaman lang ang status mo? May kinalimutan ka na bang bumalik na lang...