Lexa
Isang malakas na palakpak ang ginawad ko kay Dew Velasco habang pinaparangalan siya.
Nanalo kasi siya sa Quiz bee competition ng school. Super talino ng ULTIMATE CRUSH ko noh?! Hahaha naman.
At balita ko candidate siya sa batch nila bilang suma cum laude. Astig!
Super genius niya kasi eh. Nakakalungkot nga lang hindi ko siya kabatch.
Third year na siya sa kursong medical technology samantalang ako second year college sa kursong Political Science.
The first time I met him. I fell in love with him. Hanggang ngayon I’m still in love with him.
Oo, love kahit magda-dalawang taon ko palang syang nakikilala.
“Grabe ang galing talaga ng irog ko” sambit ko habang pumapalakpak parin.
“Hoy lexa, Irog ka dyan. Bakit? Kayo ba ha?!” sabi sakin ni Yesha.
Yan si Yesha ang isa sa mga bestfriend ko. Man hater yan. Pati nga si Irog dinadamay niya sa pagiging man hater niya.
“Hay naku, Ye, endearment ko lang yon kay milabs Dew noh. Wala ka kasing love life kaya ang bitter mo” sabi ko sakanya.
Tinignan niya ako ng masama.
“Love life?! Nge ang lakas ng saltik mo sa lalaking yon talaga noh! Wag ka ngang magbabasa ng mga romance novels na yan. Walang prince charming sa totoong buhay” sabi niya.
I pouted my lips. Kahit kelan talaga lagi niya akong iniembyerna sa mga binabasa kong romance novels. Yes I’m proud to be a pocketbook addict. Pati nga sa online ay nagbabasa ako eh. Basta lahat ng may romance binabasa ko. Ganon ako kaadik.
“Mind your own business!” sabi ko then I rolled my eyes.
Ganon lang kaming magkakaibigan lagi kung mag-away pero at the end of the day nagkakapatawaran din. Nakangiti ako ng tumingin muli sa stage kung saan ina-award-an si Dew ng trophy.
Hindi lang naman katalinuhan ang nagustuhan ko kay Dew eh. Gwapo, mabait at higit sa lahat super approachable nya. Mukha nga syang anghel eh.
At kung sya ang susundo sa akin papuntang langit papayag agad ako noh!
Isang batok ang gumising sa kahibangan ko.
“Hoy! Lex, halika na, lunch na kaya gusto mo bang ma-ulcer?! Gutom na ako. Halika na at baka hinihintay na tayo ni Geca” sabi ni Yesha at saka naglakad palabas ng gymnasium.
Tumingin ulit ako sa stage at humiling.
“Someday Dew, mamahalin mo rin ako” sabi ko at saka na sinundan si Yesha.
Sermon agad ang naabutan namin ng makarating kami sa University Cafeteria kung saan kami kakain ng lunch.
“Hay naku! Naman. Sinabi ng 12 tayo kakain ng lunch pero anong oras na ha?” sermon sa amin ni Geca.
Geca is one of my best friend since 4th year high school. She’s sweet but sometimes she is like a Hitler when she start to open her mouth.
“Wag ako ang sisihin mo yang si Lexa” sabi naman ni Yesha at saka umupo sa tabi ni Geca.
“Grabe gusto ko lang namang makita si Dew ah” sabi ko.
“Si Dew na naman. Ano ba naman yan Lexa. Kahit kelan talaga. Hay naku!” sabi ni Geca.
BINABASA MO ANG
Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}
RomanceBOOK 1 of The Girls' Trilogy