CHAPTER NINE

84 1 0
                                    

LEXA

Napatingin ako sa room 309…

Huminga ako ng malalim at saka tumango kay Geca para buksan nya ang pinto.

Walang ibang tao don kundi si Ares lang na nakahiga sa may kama.

Private room ang kwarto nito. At sa sobrang luwang mapagkakamalang hotel.

Mukhang napansin kami dahil napatingin ito sa amin..

“Anong ginagawa nyo rito?” tanong nito at saka umupo.

“Dinadalaw ka. Uy Lexa halika nga dito.” Sabi ni Geca para palapitin ako.

Lumapit naman ako.

“A-ano kasi. Ah. so-sorry” naiilang na sabi ko.

“Sorry saan?” naka-kunot noong tanong ni Ares sa akin.

“Sorry kasi… kasi dahil sa akin nagkasakit ka” sabi ko at saka tumungo.

“Psssssssssshhhhh buti alam mo na dahil sayo nagkasakit ako” sabi nito.

Napatingin ako sakanya.

“Oo na. ako na nga may kasalanan diba”

“Uy, dyan muna kayo ha. Labas muna ako. O.P ako eh hehe” sabi ni Geca at nagmamadaling lumabas.

“Uy Geca san-Haist” naiinis na sabi ko. Pano kasi nakalabas na siya naiwan tuloy akong kasama si Ares.

“Pagbalat mo ko ng mansanas” utos nito sa akin.

“HA?”

“Bingi ka ba. Sabi ko balatan mo ko ng mansanas.”

“Teka ako bat ako?”

“Alangan namang ako. may sakit ako diba? At ikaw ang may sala.” Sabi nito.

“Fine” sabi ko. At talagang pinaglalandakan na ako talaga ang may kasalanan eh noh!

Habang nagbabalat ako ay biglang bumukas ang pintuan.

Iniluwa non ay isang sopistikadang babae na matanda na.

“Ares anak--- Who is she?” tanong nito ng makita ako.

“Ma, si Lexa girlfriend ko”

Tama ba rinig ko. Pinakilala akong girlfriend sa nanay nito.

Binitawan ko ang kutsilyo at mansanas sa lalagyan ng mga ito.

“Girlfriend? You have a girlfriend?”

“Yeah. si Lexa nga” sabi ni Ares.

Tinignan ko ng nanay nya mula ulo hanggang paa.

Siguro nasisimplehan ito sa ayos ko.

Naka-blue stripe na blouse ako at saka nakajeans at doll shoes.

“Nice to meet you hija” sabi nito at saka lumapit sa ako at saka niyakap ako.

Tama ba ang nakikita ko. Niyayakap niya ako???

“N-nice to meet you din po” naiilang na sabi ko.

“Call me Tita Aly ok.” Sabi nito.

Tumango na lamang ako.

“May nag-aalaga na pala sayo son. Sige alis muna ako para magkaroon kayo ng solong oras” sabi nito.

Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon