Ares
Pabagsak akong umupo sa sofa makauwi ako sa bahay.
“Ano na namang gulo ang napasukan mo ha! Ares?!!!”
Yan ang bungad sakin ni Dad.
Pababa na siya ng hagdan at nakatingin ng masama sakin.
“It’s none of your business dad” sabi ko at saka tumayo.
“What the hell are you doing in your life?!” sigaw niya.
“What the hell I am doing in my life? Sino ba ang may kasalanan kung ba’t ako nagkakaganito. Ask yourself first dad” sabi ko at saka siya tinalikuran.
Akmang aakyat na sana ako papunta sa aking kwarto ng magsalita sya.
“Kung katulad mo lang sana ang kapatid mo. Hindi ako magiging ganito ka-strikto sayo” sabi niya.
Hinarap ko sya.
“Half brother dad. And I’m not like him” sabi ko at saka umakyat.
Padabog na umupo ako sa kama ng makapasok sa aking kwarto.
Wala pang limang minuto ng bumukas ang pinto at iniluwa non ang aking ina na si Alysone.
“I heard na nag-away na naman kayo ng Papa mo. My god! Ares kelan ka ba titino? Gusto mo bang lagi kang kinokopara sa anak sa labas ng papa mo” sabi niya sakin.
“I don’t care Ma. Pagod na akong patunayan ang sarili ko sa kanya. What for?”
“My god. He’s your father Ares. Gusto lang niya ang makakabuti sayo. Ba’t ka ba nagkakaganito? Your acting more rebellious these past few days. Hindi ba at naibigay naman na sayo ng papa mo ang kursong gusto mo. What do you want?”
Doon nagpanting ang tenga ko.
Anong gusto ko? Gusto kong maging malaya.
Ayaw kong nasa likod ng anino ni Dad.
“I’m acting like this because of that guy. Ba’t kayo pumayag na dito patirahin ni Dad ang anak niya sa labas. You are being so martyr.”
“That’s the decision of your father. Anak parin siya ng dad mo at kapatid mo siya. Tanggap ko ng ang nangyari sa nakaraan. Why should we move on Ares” sabi nya.
“Please don’t make anything that will make your dad angry at you. Patunayan mong ikaw ang dapat nyang ipagmalaki” sabi pa nya at saka na ako iniwan.
***
Pababa na ako at handa ng pumasok sa Unibersidad ng madaanan kong nag-aalmusal sina Dad, Mom at ang half brother ko.
Parang isang one big happily family ang drama nila.
Nakita ako ni Mama.
“Ares, Eat your breakfast first before going” sabi nya.
Sumunod naman ako dahil gutom na rin ako.
Umupo siya sa tabi ni Mama at doon ay katapat ko ang half brother ko.
Kumuha ako ng bread at pinalamanan doon ay isang ham at saka na tumayo at handa ng umalis ng magsalita si Dad.
“Hindi ka pa tapos kumain Ares. Bat ka ba nagmamadaling pumasok? Mamaya pa ang klase mo diba? Sumabay ka na kay Andrew.” Sabi niya.
Lumingon ako kay Dad at kay Andrew na abala lang sa pagkain.
“No need dad. I can handle. Aalis na ako” sabi ko at saka na umalis.
BINABASA MO ANG
Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}
RomanceBOOK 1 of The Girls' Trilogy