CHAPTER THIRTY TWO (ENDING)
ARES
Pumasok na ako sa loob ng mansion. Kakauwi ko lang ng ihatid ko si Lexa sa kanila. I don’t want to be harsh on her. But I need to. Because I know, she’s just confused about her feeling for me and for Dew. Kahit na sinabi niya ng paulit-ulit na mahal niya ako hindi parin iyon napapawi ang nararamdaman kong takot.
Akmang aakyat na ako ng tawagin ako ni Mama.
“Ares, can we talk?” tanong niya.
Gusto kong sabihin na pagod ako pero mukhang napansin niya ang sasabihin ko sana kaya inunahan niya ako.
“Narinig ko na sasama ka kay Arielle sa Japan. I’m not against with your plan pero sana sinabi mo sa amin ng Dad mo iyon. Anyway Did lexa know about this?” tanong niya.
Tumango ako saka sumagot. “Yes, alam niya”
“So anong sabi niya? Anong magiging set up nyo?”
“We broke up. So wala ng dapat pag-usapang set up”
“What?” tumaas ang boses niya. “Why? Dahil ba hindi niya kaya ang long distance relationship?”
“No Ma. she loves someone else” saka ako nag-iwas ng tingin.
“How can you say that? sa tuwing nakikita ko siya rito ay iba ang tingin niya sayo, Ares. She’s in love with you” saad niya.
“Is this the reason why you need to go to Japan?” tanong niya kapagkuwan.
May parte na nagsasabing ‘Oo’ siya nga ang dahilan.
“Ares, alam ko na kami ang naging dahilan ng Papa mo kung bakit naging ganyan katigas ang puso mo. Na ayaw mong i-attach ang sarili mo sa iba. Pero anak, you are a human too. You need someone who will be there for you. Hindi ka habang buhay mag-iisa. Give Lexa a chance to love you” saad niya.
“If I gave her a chance. I am also giving her a chance to break my heart” saad ko.
Ayokong masaktan sa huli. Ayokong maiwan.
“Kahit sadyain man niya nasaktan ka o hindi still masasaktan at masasaktan ka parin niya. that’s why there is a word called chance, dahil sa chance na yan maaari mong baguhin ang nagawa mong hindi tama sa taong mahal mo”
“That’s why you gave Dad a chance?” tanong ko.
Matagal ko ng gustong itanong iyon. Sinaktan siya nito at niloko but still pinatawad niya ito at tinanggap parin. That is so unfair.
“Yes, dahil gusto nyang magbago. Para sa atin.”
“But she hurt you” inis na saad ko.
“Kahit na anong sakit ang naramdaman ko sa Dad mo, still I gave him a chance because I love him. Niloko niya ako at sinaktan pero mas nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sakanya.”
Gusto ko syang tawaging martyr o ano. Pero nakikita ko sa mukha niya na mahal nga niya si Dad.
I love my Mom, so I don’t want her to get hurt.
“Give Lexa a chance son”
“I don’t know, Ma. Still my decision is final. Sasama ako kay Arielle sa Maynila bukas” saad ko saka na umakyat.
BINABASA MO ANG
Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}
RomanceBOOK 1 of The Girls' Trilogy