CHAPTER SEVENTEEN

90 2 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Nakita ko ang gulat nyang mukha pero dagli ring napalitan ng seryosong mukha.

Kapansin-pansin ang dalawang band-aid nito sa gilid ng noo nito at saka maliit na pasa sa may gilid ng labi nito.

Nakita ko ang pagngisi niya ng mapansing tinititigan ko na pala siya.

“Anong ginagawa mo rito?” with a cold tone.

Hindi yan yong tone na ginagamit niya sakin dati eh. Bakit siya naging malamig sakin?

Tanga ka ba Lexa? Malamang galit siya dahil sa mga sinabi mo sabi ng aking isipan.

Pero hindi ba dapat ako ang galit ngayon dahil sa sinabi niya kay Dew. Pero bakit siya ang galit?

“Oh, hijo.” Tawag kay Ares ng mama nito.

Napalingon kami kay Tita na nasa likuran ni Ares.

“Dito siya magla-lunch. Pinahahanda ko na lang ang mesa” saad ni Tita.

“Ares sumabay kana sa aming kumain” baling ni Tita kay Ares.

Umiling lang si Ares saka na kami iniwan.

Nilapitan ako ni Tita at hinawakan sa may dalawang kamay.

“Hayaan mo na si Ares, Lexa. Dito ka na kumain ha. Halika na sa may komedor ng makakain na tayo” saad ni Tita at saka ako iginaya sa may komedor.

Nang makaupo na kami ay tinawag nito si Manang Selya.

“Manang, pakitawag naman si Ares”

“Sige po, Seniora” saka na ito tumalima.

Masasarap at madaming putahe ang nakahain sa hapag. Hindi nga niya alam kung anong kakain sa damin non.

“Oh, Ares. Let’s eat” sabi ni Tita.

Halos di ako makahinga ng maupo si Ares sa harapan ko.

Tumingin siya sakin pero agad ding nagbawi ng tingin.

Kami lang ang kumakain doon dahil wala si Gov. Peralta at si Dew ay nasa school pa.

“Oh Lexa kumuha ka pa ng ulam. Ito menudo try mo” sabi ni Tita sabay abot ng bowl ng Menudo.

Kumuha naman ako.

“Ares, iabot mo nga ang kanina kay Lexa” utos ni Tita.

Inabot naman niya sakin ang plato ng kanin inabot ko iyon at dahil nahawakan ko ang kamay niya ay para akong nakuryente.

Dagli rin nitong inalis ang kamay nito.

Kumuha ako ng kanin at saka na kumain.

“Ares, may problema ba kayo ni Lexa?” tanong ni Tita.

Muntik na akong mabilaukan doon ah.

Hindi umimik si Ares. Sa halip ay tumingin siya sakin na may meaning.

“Hay naku mga kabataan talaga. Dapat pinag-uusapan ang problema nyo hindi yang ganyang di kayo nagpapansinan” saad ni Tita.

Nagulat ako ng padabog na binaba ni Ares ang kutsara at tinidor niya saka uminom ng tubig.

Tumayo na ito at saka akmang aalis ng magsalita si Tita.

“Ares, san ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain ah.”

Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon