CHAPTER THREE

119 4 0
                                    

Lexa

Napadaan ako sa may Nursing building at doon ay sinilip ko ang classroom kung saan nagkakalse sa oras na iyon si Dew.

Napangiti ako ng makita syang nagsasalita sa harapan. Mukhang may nire-report siya ah.

Hay ang gwapo gwapo talaga ng irog ko!

Sinulyapan ko siya ulit at saka na ako nagpasyang umalis.

Dahil hindi ko napansin na wet floor ang dinadaanan ko ay nadulas ako.

Napasigaw tuloy ako “Aray!” sabi ko sabay himas sa aking tagiliran.

“Miss okay ka lang?” tanong ng isang boses lalaki.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Dew nakatunghay sa akin.

Napansin ko rin ang mga kaklase nya na nag-bu-bulungan.

Inabot nya ang kamay niya sa akin. Inabot ko naman iyon.

Syempre opportunity ko na ito para mahawakan ang kamay niya.

“Salamat” sabi ko ng tulungan nya akong tumayo.

Tumungo ako. “Sorry po sa abala. S-sige po” sabi ko sa instructor na katabi ni Dew.

Umalis na ako. Shit nakakahiya?!!!

Pero infairness nahawakan ko ang kamay niya…. Heaven!!! Tili ko sa aking isipan.

Kung hindi lamang maraming tao ay nahimatay na ako o kaya ay nagsisigaw. Syempre. Crush ko  ang tumulong sa akin at nahawakan pa niya ang kamay ko

Sasabihin ko to kila Yesha.

***

“Yesha!!! Geca!!!” tili ko ng makita ko sila na nasa vacant room sa 4th floor.

Ti-next ako ni Yesha na naroon sila.

“Kung makatili ka naman dyan para kang nanalo sa lotto ha” sabi naman ni Yesha.

“Para na rin akong nanalo sa lotto sa nangyari sa akin kanina.”

“Ano ba kasi yon?” tanong naman ni Geca.

“Sinilip ko kasi Dew sa---“

“Ano sinilipan mo si Dew?!” sigaw ni Yesha.

“Hoy. Hindi yon ang ibig kung sabihin. Iba na naman kasi nasa isip mo eh. Ang sabi ko sinilip ko siya sa classroom nila. Tas nadulas ako”

“So swerte yong nadulas ka ganon?” sabi ni Geca.

“Oo, tinulungan kasi ako ni Dew. Hay nahawakan ko ang kamay niya…” sabi ko.

“Yon lang pala.” Sabi ni Yesha at bumalik na sa paggawa ng assignment nya.

“Hoy. Hindi ganun ganun lang yon para sa akin noh!. Ang bitter mo talaga” sabi ko sakanya.

“Hindi ako bitter. Hindi lang ako hibang sa pag-ibig na yan” sabi nito.

“Hayaan mo na siya Lex. Basta ako I’m happy for you” sabi ni Geca.

Buti pa si Geca naiintindihan ako.

Basta masaya ako na nahawakan ko ang kamay ng irog ko.

***

“Hoy! Lex anong pinagsisintir mo dyan ha?” sabi sa akin ni Yesha sabay siko.

Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon