“Uy, Lex, nag-away ba kayo ni Ares?” tanong ni Geca sa akin ng lapitan niya ako.
Umalis saglit ang professor namin dahil may kukunin ito sa faculty room.
“Eh lagi naman kaming nag-aaway non ah”
“Hindi, I mean you know. Yong bang nagalit siya sayo. Nakita ko kasi siya kahapon naka-motor siya habang umuulan.”
Naalala ko ang hitsura ni Ares kahapon ng makita ko siya.
“Nakita kong sumakay ka sa sasakyan ni Dew. At yon nga. Sinundan ni Ares yon sasakyan ni Dew”
Ibig bang sabihin non ako ang may kasalanan bat nagpaulan si Ares.
Nasan na kaya si Ares? Nagka-sakit kaya siya?
ALYSONE
“Manang kamusta na si Ares?” tanong nya kay Manang Gina. Ang mayordma namin.
“Ayaw po nyang kumain. Napaka-init po niya. Tatawa na po ba ako ng doctor?” tanong niya sakin.
Tumango lamang ako. Umakyat ako sa kwarto ng anak ko na si Ares.
“Ares” tawag ko sakanya.
Naka-kumot sya hanggang leeg.
Hinaplos ko ang mukha niya. SObrang init.
“I-I’m okay Ma” sabi niya kahit alam kong hindi sya okay.
Kahit kelan hindi pinapakita ni Ares ang kahinaan nya. Ayaw nyang maging dependent sa ibang tao kahit sa akin.
Tanggap naman ko na kahit kelan hindi na magiging dati ang buhay namin.
<Flash back>
“Ares, ayusin mo na ang mga gamit mo sa kwarto at aalis na tayo” utos ko kay Ares. Nakatayo lamang sya roon at umiiyak habang tinitignan akong nag-e-empake ng mga gamit.
“Ares ano ba! Pumunta ka sa kwarto mo. Mag-empaka kana” naiinis na sabi ko.
“Alysone” tawag ni Bohemio sa akin. Nilapitan niya ako.
“Alysone. Please let me explain. Wag ka ng umalis”
Hinarap ko sya.
“Explain? Wag na. di ko na kelangan yon.” sabi ko at saka hinarap ang pag-e-empake.
Nang matapos akong mag-empake ng gamit ko ay hinarap ko si Ares.
Hinila ko sya papunta sa kwarto nya.
Ako na ang mag-eempake sa mga gamit nya.
“Alysone. Wag mong dalhin si Ares. Please. Let’s talk about this” sabi ni Bohemio na sumunod pala sa amin.
Hindi ko sya pinakinggan. Basta tuloy tuloy akong nag-empake. Nang matapos ako ay hinatak ko si Ares.
“Let’s go Ares. Umalis na tayo dito.”
“Ayoko. Papa” tawag nya kay Bohemio.
“Ares ano ba” hinila ko siya.
Umalis kami. Pumunta kami sa bahay ng aking Ama.
Ngunit after 2 weeks pumunta sa bahay namin si Bohemio.
“Alysone. I’m sorry.” Hinging tawad ni Bohemio sa akin.
BINABASA MO ANG
Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}
RomanceBOOK 1 of The Girls' Trilogy