CHAPTER TWENTY NINE

87 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

Iniwan namin sa may sala na nag-uusap sina Arielle at Ares. Asa may Den kami ni Tita Aly.

“Hanggang ngayon ay close na close parin talaga ang dalawang iyon” narinig kong sabi ni Tita Aly.

Naririnig ko mula rito ang tawanan ng dalawa.

“Mukha nga po” sabi ko naman.

“Wag kang magselos sa kanila. Ganyan talaga ang mga yan bata pa lang sila eh close na close na sila. Ares treated Arielle as his sister, si Arielle lang kasi ang kayang magpatino dati kay Ares. Kaso umalis siya noong ten years old na sila at napunta siya ng Taiwan” sabi ni Tita.

Kaya pala ganoon na lamang ang close ng dalawa.

Nagkwento pa si Tita tungkol sa kabataan ng dalawa. Nakakatawa na nakakaselos ang mga iyon dahil kitang-kita kung gaano ka-close ang dalawa noong bata pa sila.

Inaya na ako ni Tita na magpunta ng salas. Alas-kwatro at kelangan ko ng umuwi dahil yon ang paalam ko kay Mama at Papa. Saka gagawin ko pa yong tambak na reports at case digest ko.

Nakita ko na pinipingot ni Arielle si Ares habang tumatawa at si Ares naman ay tinatanggal ang kamay ni Arielle sa tenga nito.

Nakakatawang tignan ang dalawa dahil sa gandang babae ni Arielle di mo aakalaing kayang-kaya niya ang bad boy na katulad ni Ares.

“Aalis na si Lexa” sabi ni Tita kung kaya’t napatingin sila samin.

“Oh, aalis ka na agad. Sayang naman gusto ko pa namang kitang makabonding” sabi ni Arielle.

Nginitian ko lang siya.

“Some other time na lang siguro” sabi pa niya.

Tumango naman ako.

“Ares, ihatid mo na si Lexa” utos ni Tita kay Ares.

“Wag na po Tita” sabi ko naman. Ayoko namang sirain ang pagkikita nilang muli ni Arielle.

Pero tumayo na si Ares at saka lumapit sakin.

“I’ll take you home.” Sabi niya sa seryosong boses.

Wala yong kaninag magaan nyang aura.

Siguro nga dahil si Arielle lang ang nakagagawa noon sakanya.

Kinuha niya ang kamay ko.

“Sige po Tita” sabi ko saka na ako inakay ni Ares sa sasakyan niya.

***

Andito na kami sa tapat ng bahay namin. Pababa na ako ng bahay namin ng magsalita siya.

“She’s my childhoodfriend Lexa” sabi niya.

Tumingin naman ako sakanya. Nakatingin din siya sakin.

“Alam ko na yon. wala ka namang dapat i-explain” saad ko.

“But I just want you to know. Baka kasi”

Ikinumpas ko ang kamay ko sa harapan niya para patigilin siya sa sinasabi niya.

“Wala yon. Sige na, papasok na ako sa loob baka hinahanap na ako eh” Paalam ko sakanya.

Akmang bababa na ulit ako ng hilahin niya ako at napasubsob ako sa dibdib niya.

I heard him sighed. “I’m sorry kung di ko masabi na mahal kita. Pero kahit ganun pa man, ayaw kong mawala ka” narinig kong sabi niya.

Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon