CHAPTER TWENTY FOUR

89 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

“Nakakakilig talaga si Ares” narinig kong sabi ni Celyn na nakapasok na pala sa loob.

Tumabi pa siya sakin. Nakatutok lang ang pansin ko sa TV.

“I think he likes me, don’t you think Lexy?” tanong niya sakin sabay siko pa.

Di ko tuloy mapigilan mainis sakanya. “Ewan ko” padabog kong sabi para tumigil na siya sa kakainarte.

“Hey, Galit ka ba?” tanong niya sakin.

Tinignan ko naman siya. “Ako? Galit?” sabay turo ko pa sa sarili ko.

Umiling-iling ako. “Hindi ah. bakit ako magagalit?!” malakas na sabi ko saka agad tumingin sa TV.

“See, you are. May problema ba?” tanong niya sa inosenting tono.

Gusto kong magpapadyak sa inis. Bakit ba ang kulit at ang manhid ng babaeng ito.

“Wala.” Sabi ko sa maayos na tinig.

“If you have a problem with me just tell me, Lexy” sabi niya saka na umalis at umakyat sa 2nd floor.

Nalungkot ako sa sinabi niya. Wala namn syang kasalanan na may gusto siya kay Ares. Talagang naiinis ako dahil nagseselos ako. Buti pa kasi siya eh, nakakasama at nakakausap si Ares, ako heto di man lang makalapit.

Napabuntong hininga ako…

***

“Ang mundo ay isang malaking Quiapo kung di ka lalaban mananakawan ka! Yan ang sabi ni Carmi Martin sa No other Woman. Kaya kung ako sayo. Lumaban ka. Fight for your love, wag mong hayaan ang pinsan mo na agawin si Ares. Aminin mo na ang totoo kay Ares” udyok sakin ni Geca habang sumisimsim siya ng milk tea.

 Asa may katapat na coffee shop kami at nakiki-wifi. Maya-maya pa ang klase namin.

“Hindi ganun kadali ang sinasabi mo, Ge”

“Madali lang yon. Sabihin mo lang na… ‘Ares, gusto kita’ o kaya ay ‘I love you Ares matagal na’. Ganun”

Binato ko nga ng finold kong tissue. Ang lakas ng bunganga niya eh. mamaya may makarinig.

“Awtsu ha, grabe tinutulungan na nga kita eh” reklamo niya.

“Eh kasi, yong matino Geca”

“Matino naman yon. heller?! Basta aminin mo na kay Ares ang feelings mo. Kay Dew di ka nahiya tas ngayon kay Ares di mo magawa. Napaka-unfair ha.” sabi niya saka pa ngrolled ng eyes niya.

Napabuntong hininga ako. Tama talaga si Geca, dati may lakas na loob akong magtapat ng damdamin kay Dew pero ngayon naduduwag ako kay Ares.

Sumimsim ako ng milk tea saka siya nilingon ulit.

“Okay, sasabihin ko na sakanya” sabi ko.

Siguro ito nga tama kong gawin… Bahala na..

Nakita ko ang mapanuksong nyang tingin.

“Ganyan nga, Lex. Fighting!” sabay taas ng kamay.

Nakitaas na rin ako ng kamay…

***

Kanina pa ako naghihintay dito sa may labas ng University front gate. Hinihintay na lumabas siya. Hays.

Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon