CHAPTER SIXTEEN
2 araw makalipas ng huli naming pag-uusap ni Ares ay pasukan na. Narito kami ngayon sa may cafeteria at nagla-lunch.
Kanina ko pa napapansin na palinga-linga si Geca at mukhang may hinahanap.
“Uy, sino hinahanap mo?” tanong ko sakanya.
Napatingin siya sakin. “Si Ares. Bakit wala ata siya ngayon?” tanong niya.
Nasamid ako sa kinakain ko dahil sa tanong niya. inabutan niya ako ng tubig kaya ininom ko muna iyon bago magsalita.
“Wag mo ngang hanapin ang taong wala”
“Teka, nagayaw ba kayo ha?” tanong niya pa sakin.
Umiling ako agad. “Hindi ah” sabay subo.
“Oh eh bakit wala siya ngayon? Di ata siya bumubuntot sayo?” tanong pa niya.
Umismid lamang siya. “Wag mong hanapin sakin ang taong wala” saad ko.
Napatingin sakin si Yesha at Geca.
“Tsk. Mukhang nag-away nga” narinig kong bulong ni Yesha.
“Ay, yan na pala siya oh” sabi ni Geca sabay nguso sa may entrance ng Cafeteria.
Nakita ko agad si Ares kaso di siya mag-isa eh may kasama syang babae. Actually kaakbayan niya. Yong babae yon, maganda siya.
Kilala ko yong babae na yon siya si Ciary Trinidad ang Ms. Tourism last year. 3rd year college na siya ngayon eh.
“Kaya naman pala wala siya eh kasi may iba na. Haist. Pano na ang Arexa love team?” narinig kong sabi ni Geca.
Napatingin ako sakanya saka sinamaan siya ng tingin.
Kainis. Hindi ko alam saan ako naiinis kung sa sinabi ni Geca o sa nakikita ko ngayon?
Oo, ako nga ang nagsabi na layuan na niya ako pero kasi ewan. Bakit ko nga ba nararamdaman ito. Na parang bumibigat ang dibdib ko lalo na ng umupo na sina Ares at Ciary at humilig pa talaga ang babae sa balikat ng bwesit n lalaking yon.
“So break na ba kayo at andyan siya sa iba?” tanong ni Yesha sakin.
“Pano kami magbe-break eh wala naman kami” padabog kong sabi.
Kainis. Nilantakan ko na lang ang pagkain ko.
Pero natigilan ako sa pagsubo ng may sumigaw.
“Hoy, Peralta!!!” napatingin kaming lahat sa lalaking kapapasok lamang sa loob ng cafeteria na syang sumigaw.
Sumugod ito sa harap nila Ares at Ciary at saka hinila ang babae mula kay Ares.
“Aray! Bitiwan mo nga ako” daing ni Ciary. Mahigpit kasi ang pagkakahawak ng lalaki sakanya.
“Gago ka Peralta pati girlfriend ko sinusulot mo ha. Gago ka ah” sabi ng lalaki saka binitawan ang kamay ni Ciary at saka inundayan ng suntok si Ares ng tumayo ito.
Hindi natinag si Ares. Nakita ko na napatingin siya sakin. Nagtama ang mga mata namin, nakita ko na nag-smirked siya sakin.
“Anong ngini-ngisi mo ha?!” sigaw ng lalaki.
Tinignan ito ni Ares. “Wala. Masamang ngumisi. Edi sayo na siya kung gusto mo” sabi ni Ares at akmang aalis ng kwelyuhan siya ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}
RomanceBOOK 1 of The Girls' Trilogy