CHAPTER FOURTEEN

74 2 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

LEXA

Ngayong gabi gaganapin ang birthday party ni Governor Peralta.

At ako heto ready na ako. Sobrang excited nga sina Mama eh dahil sosyal na raw ako.

Dahil inivite ako sa birthday na para sa mga mayayaman at mga kilalang tao.

Naka-black halter dress ako na binagayan ng black high heels.

Isang tunog ng sasakyan mula sa labas ang nakapagpatayo sakin habang nagsusuklay ng buhok.

“Ma, baka si Ares na yan” sabi ko.

Kilala na nila si Ares dahil ikinwento ko kila Papa na anak siya ni Gov. Peralta at alam ko na kilala na nila si Ares dahil sa mga balitang ipinapahayag tungkol dito.

“Sige ako na magbubukas” sabi ni Papa saka na bumaba.

“Suklayin mo yang buhok mo.” Untag ni Mama.

NAsa loob ng kwarto ko si Mama.

“Okay na po yan Ma” sabi ko.

“Naku naman. Matuto ka ngang mag-ayos. Dalaga kana Lexa.” Sermon pa niya.

Kahit kelan ay di ako marunong mag-ayos. Di ako katulad ng ibang mga babae na ka-edad ko na maruno ng mag-make up o kaya ay mamili ng magagandang damit.

Simple lang ako. sa sobrang simple ko laging nagagalit sakin si mama dahil wala daw akong ka-fashion fashion sa katawan.

“Andito na ang susundo sayo” sabi ni Papa ng pumasok siya sa kwarto ko.

Tumayo na ako. at sabay kami ni Mama na bumaba.

Pagkababa namin ay nakita ko si Ares na prenteng naka-upo sa may sofa namin.

Aminin ko man o hindi napaka-gwapo niya sa suot nyang black suit.

Napatayo siya ng makita ako.

“Pa, Ma, aalis na po kami” sabi ko.

“Oh sige, mag-ingat kayo ron at ikaw” tumingin si Papa kay Ares.

“Ihatid mo si Lexa rito bago maghating gabi” saad ni Papa.

“Yes, sir” saad ni Ares.

Saka na kami lumabas ng bahay.

Kung dati ay big bike ang dala ni Ares ngayon ay isang black na SUV na.

“Let’s go” sabi ni Ares na nasa loob na pala ng SUV niya.

Grabe hindi man lang nagpaka-gentleman ang mokong.

Binuksan ko ang back seat pero bago ako makapasok ay agad syang nagsalita.

“Gusto mo akong gawing driver? Damn, Lexa sit here.” sabi niya sabay turo sa may passenger’s seat.

Sinara ko agad ang pinto ng back seat saka binuksan ang passenger’s seat at saka umupo roon.

Ang gara ng sasakyan niya. Ang bango. Katulad rin ng kay Dew. Hay kung sana wala itong party na ito sana kasama ko si Dew ngayon.

Sayang talaga yong date namin. Haist!

Tahimik lang kami sa boung durasyon ng byahe.

At saka huminto ang sasakyan niya sa garahe ng malaking mansion ng mga Peralta.

Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon