CHAPTER THIRTY

88 2 0
                                    

CHAPTER THIRTY

ARES

Nanginginig ang kamao ko ng marinig ang sinabing iyon ni Lexa.

Ayokong nasasaktan ka dahil mahal kita….

Agad na akong umalis ng marinig iyon. Pumunta ako kanina sa classroom niya para ayain syang mag-lunch. Yon naman ang ginagawa ng mga nobyo sa kanilang kasintahan hindi ba?

Ngunit wala siya roon sa classroom nila at sinabi ng kaklase niya na may kasama ito at si Dew nga iyon.

Kaya kumain na lang ako mag-isa. At pabalik na nga sana ako sa classroom nila Lexa para tignan kong bumalik na ulit siya.

Pero ito nga ang nadatnan ko. Damn. This Heart.

Bakit ang sakit na marinig iyon? Ginagago lang ba niya ako. Hanggang ngayon pala mahal niya parin si Dew. Shit. Bakit ako nagpauto sa babaeng yon?

Damn.

***

LEXA

Matapos ang usapan namin na iyon ni Dew ay nagbalik na ako ng classroom namin. Walang Ares na nagpakita sakin.

Asan kaya ang lalaking iyon?

Matapos na rin ang klase ay di ko siya nakita kaya nagpasya na lang akong umuwi mag-isa.

Naglalakad ako sa may parking lot ng makita ko syang pasakay ng sasakyan niya.

Tinawag ko agad siya. “Ares”

Lumingon siya sakin. Akala ko katulad ng dati ay ngingiti siya pero bakit napakaseryoso ata ng mukha nito.

Lumapit ako sakanya. “Wala ka ng klase?” tanong ko.

“Wala na” malamig na sagot niya sakin.

Pakiramdam ko parang may nagbago sakanya. Ngunit di ko matukoy kung ano.

“Sakay na. pauwi ka na diba?” sabi niya saka na sumakay sa driver’s seat.

Sumakay naman na ako sa front seat. Wala kaming imikan habang nasa byahe. Gusto ko mang magsalita pero parang masama yong atmosphere eh. Parang may pader na nakaharang samin dalawa.

Ganito rin yong naramdaman ko noong hinatid ako ni Ares dati sa amin after ng party ni Gov. Na sinabihan ko siya na umalis na siya sa buhay ko.

Hindi ko alam pero parang may problema. Hindi ko namalayan na narito na pala kami sa tapat ng bahay namin. Gusto ko sana syang kausapin subalit di ko na lang ginawa. Siguro baka bad mood lang siya.

***

Tatlong araw matapos ang huli naming pagkikita ni Ares ay hindi ko na siya muling nakita pa. Ni Anino niya wala rin. Inisip ko na lang na baka busy siya at ayaw niya ng istorbo.

Siguro nga yon ang dahilan.

Naglalakad na ako sa may hallway papunta sa next class ko ng mag-ring yong phone ko.

Agad ko iyong kinuha sa may bulsa ng shoulder ba ko at agad tinignan kung sino ang tumatawag.

“Hello Tita?” pagka-sagot ko ng tawag.

Si Tita Aly pala ang tumatawag. Bakit kaya ito napatawag?

Minsan lang tumawag sakin si Tita at minsan ay pag importante pa.

“Hi Lexa”

“Bakit po kayo tumawag Tita? May problema po ba?”

Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon