CHAPTER TWENTY THREE

80 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

ARES

Tinignan ko yong binigay nyang cup cake sakin. Hindi ko naman gusto nito dahil di naman siya ang may gawa.

Bakit ba niya tinutulungan ang babaeng makulit na yon sakin. Kahapon pa yon eh. Nang makita ako agad sana syang lalapit kung hindi lang agad ako umalis.

Tumakbo ako para habulin si Lexa pero wala na siya. luminga-linga muna ako sa paligid.

Hayon siya, naglalakad kasama si Dew.

Damn. Naunahan na naman ako ng lalaking yon…

Tinignan ko yong cup cake na binigay niya. May card don.

Binuksan ko at saka binasa…

Meet me at the park later Ares. I’ll tell you something… do come.

- Celyn

Hindi ko alam kung pupunta ako o hindi pero may naguudyok sakin na importante ang sasabihin niya…

***

LEXA

Pag-uwi ko ay nakita ko na hinatid ni Ares si Celyn.

Di muna ako tumuloy kaya di nila ako nakita.

Nang umalis si Ares ay agad akong lumapit kay Celyn na nakatalikod na at papasok na sa loob ng bahay namin.

“Hinatid ka niya?” tanong ko.

Lumingon agad siya sakin. “Grabe ka naman, Lexy. Nakakagulat ka” sabi niya habang hawak ang dibdib.

“Yup, nag-enjoy nga akong kasama siya eh” sabi niya.

Tumatango-tango lang ako…

“Buti naman at nagkakaigihan na kayo” sabi ko kahit parang may bumabara sa boses ko.

Ayaw kong pumiyok eh. Feeling ko naluluha ako..

“Yup, we’re knowing each other na” masayang sabi niya saka na tumalikod para pumasok sa loob.

Pakiramdam ko parang may pumupukpok sa may puso ko.

Naninikip at parang di ako makahinga.

Di ko namalayang lumuluha na ako.

Kung totoong nagkakamabutihan na sila kung ganun, di kaya may gusto na rin si Ares kay Celyn?

Ano ba itong nararamdaman ko. Ang sakit…

“Lexy. Halika na” sigaw niya. Nasa loob na pala siya.

Dagli kong pinunsan ang pisngi at mata ko para di halatang umiyak ako.

Pagpasok ko ay gulantang parin ang isipan ko sa sinabi ni Celyn.

We’re knowing each other na

We’re knowing each other na

We’re knowing each other na

Yan ang paulit-ulit na nagrereply sa isipan ko.

Hanggang ngayon kumikirot parin ang puso ko…

Pano nga kung may gusto si Ares kay Celyn?

Pano yong nararamdaman ko? Susuko na lang ba ako?

Hays ang gulo…

***

Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon