CHAPTER EIGHTEEN
Nakaupo ako sa may sofa ng shop katabi si Yesha.
Nasa loob kasi ng fitting room si Geca at nagsusuot ng dress.
“Okay ka lang ba Lex?” tanong sakin ni Yesha.
Tumango ako kahit deep inside nasasaktan ako. Hanggang ngayon nakaregister parin sa isip ko ang eksena kanina. Ang bigat ng pakiramdam ko parang may nakadagan na mabigat na bagay na parang hindi ako makahinga.
“Nakita ko yong kanina” sabi ni Yesha kung saan napatingin ako sa kanya.
“Wala na kayo ni Ares?” tanong niya sakin.
“Walang kami” sagot ko.
“Ano bang nangyari?” tanong niya sa mahinahong boses.
Nagtaka ako kay Yesha ngayon. Dati naman hindi siya mahilig makipag-usap sakin lalo tungkol sa lalaki. Pero ngayon siya pa ang naguungot sakin na sabihin ang nangyari.
Sinabi ko naman sakanya ang nangyari.
“Iniiwasan na niya ako ngayon, Ye, kaya wala ng dahilan para lumapit pa ako sakanya. At saka pinaubaya na niya ako kay Dew eh” sabi ko.
“Masaya ka ba sa ginawa nya?” tanong niya sakin.
Hindi ba dapat maging masaya ako dahil itinutulak na niya ako para kay Dew. Pero bakit hindi ako masaya?
Yon ay dahil mahal mo si Ares… saad ng aking isipan.
Hindi ako nakasagot.
“Lex, alam ko na mahal mo si Ares” saad ni Yesha.
Nagulat ako sa sinabi niya.
“Alam ko kung sino ang in love sa hindi. Na-in love na din ako dati kaya alam ko yan” sabi niya.
Oo nga pala, naikwento na niya samin tungkol sa first love niya na sinaktan siya dati.
Yumuko ako. Saka tumango.
“Minsan kelangan mong masaktan para maging matatag ka” saad sakin ni Yesha.
Napatingin ako sakanya. Magsasalita pa sana ako eh kaso tinawag na kami ni Geca para tignan kung bagay daw ba sakanya ang suot nyang dress.
Kapagkuwan ay binili na niya iyon saka na kami lumabas ng Juana.
Sa halip na sumakay ng elevator ay nagescalator na lang kami papuntang fifth floor ang last floor ng Mall.
Doon naka-locate and food court, mga paayusan ng gadgets at ang booksale na lagi naming tambayan.
Nagpunta kami ng booksale.
Tingin-tingin ng maaring bilhin na libro.
Nakita ko yong the street lawyer ni John Grisham. Yon yong laging kinikwento samin na Sir na magandang basahin ng isang Pol. Sci. Student kagaya namin.
“Uy, Ye, Ge, may the street lawyer dito oh” sabi ko at akmang kukunin ko ng may kamay na naunang humawak don kaya ang nahawakan ko eh yong kamay niya.
Napatingin ako sa may nagmamay-ari ng kamay na iyon.
“Lexa”
“Dew”
Si Dew iyon na nakangiti sakin. Dati pag ngumingiti siya naapektuhan ako na para bang kinikilig ako pero ngayon napaka-ordinaryo na lang ng ngiti niya para sakin.
BINABASA MO ANG
Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}
RomanceBOOK 1 of The Girls' Trilogy