CHAPTER FIFTEEN
LEXA
What just had happened? Yong totoo anong nangyari?
Hanggang ngayon di ko alam kung totoo ba yon o hindi. So I pinch my left arm para magising ako kaso hindi eh nasaktan ako. so it means what just had happened a while ago is real. So Damn. Real.
Hindi ko alam na nakabalik na pala kami ni Ares sa table kung saan niya ako dinala kanina.
“Bakit ka umalis?” tanong niya sakin.
“Ikaw kaya ang umalis. Malamang aalis ako dahil iniwan mo ako” saad ko sakanya.
Naiinis parin ako lalo na ng iwan niya ako ng walang pasabi.
“Hindi ibig sabihin na iniwan kita di na ako babalik. Kumuha lang ako ng maiinom natin” sabi niya.
Umismid lang ako sakanya.
Nagsabi ang emcee na mag-uumpisa na raw ang program.
May malakas na tugtugin at saka may mga taong nagsasayaw.
Andun lang ako, kami ni Ares habang nakatingin lang sa kanila.
“Let’s eat” saad niya saka nagtawag ng waiter.
May lumipat naman na waiter saka ito binulungan ni Ares.
Saka na umalis na rin ang waiter pagkatapos.
Tumingin lang ako sa mga matatandang nagsasayawan dito.
Gustong-gusto kong tanungin kay Ares yong tungkol kanina kaso mukhang wrong timing eh.
Lumipat yong waiter saka may dalai tong dalawang plato na may lamang madaming pagkain.
“Let’s eat” saad niya sakin.
Kanina pa ako nagugutom eh kaya kumain na rin ako.
Habang kumakain kami ay may babaeng sopistikada na naglalakad palapit samin.
Akala ko dadaan lang pero hindi eh. umupo talaga siya sa upuan na bakante sa tabi ni Ares.
“I miss you Ares” sabi ng babae saka hinaplos-haplos pa ang braso ni Ares.
Tsk. Nakakaasiwa!
Kumain lang ako at di siya pinansin.
Tumingin si Ares sa babae na gulat na gulat.
“Chesca” saad niya na may himig na pagtatanong.
“Surprise to see me huh. hahaha. Kakauwi ko lang kahapon galing London. I miss you Ares” saad ni Chesca at saka inihilig ang ulo sa balikat ni Ares.
Gusto kong tumayo at saka umalis. Parang na-a-out of place kasi ako rito.
Mukhang di ako kelangan dito.
“Anyway, who’s with you?” tanong ni Chesca.
Gusto kong maghurumentado sa sobrang inis. Di ba niya talaga ako nakikita? Bulag ba siya? bulag?
Tinuro ako ni Ares kaya napatingin sakin si Chesca.
“Who is she Ares?” tanong niya kay Ares.
“My girlfriend, Lexa” saad ni Ares. Sobrang cool ng pagkakasabi niya.
Nanlaki ang mga mata ni Chesxa pero agad ding naningkit.
“What?!”
Ngumisi lang si Ares na parang wala lang sakanya. “Yes, she’s my girlfriend, Ches”
BINABASA MO ANG
Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}
RomanceBOOK 1 of The Girls' Trilogy