Pauwi na ako ng isang motorsiklo ang humarang sa harapan ko ng makalabas ako ng school ground.
“Get on” sabi ng driver na yon na si Ares.
Hindi ko siya pinansin. Umiwas ako sakanya at naglakad.
Naramdaman kong umaagapay siya sakin.
Hindi ko parin sya pinansin. Naiinis na kasi ako. Kahit saan ako magpunta ay parang kabute siya na pasulpot-sulpot.
“Lexa” tawag nya.
Napalingon ako sakanya “Ano ba di mo ba talaga ako tititgilan ha?”
Hindi sya umimik.
“At saka pwede ba wag mo ngang ipagkalat na tayo dahil hindi kita Boyfriend”.
Wala parin akong narinig na sagot mula sakanya. Iniwan ko na lamang sya.
Napansin kong hindi na siya sumusunod sa akin.
Buti naman!
Pero bakit parang na-guilty ako sa sinabi ko kanina.?
Ilang araw na ang nakalilipas ng itaboy ko si Ares.
Balik sa dati ang buhay ko. Hindi na katulad ng dati na laging sumusulpot=sulpot sa paligid si Ares na parang kabute.
Pero teka bat ba parang na-mi-miss ko ang presensya niya.
Nagulat ako ng may kumalabit sa akin. Nakaupo kasi ako sa lilim ng puno at namumuni muni.
“Ares” sabi ko sa taong kumalabit sa akin.
Akala ko hindi na talaga siya magpapakita pa sa akin.
“Ares ka dyan” sabi niya at saka tumabi sakin. “Si Geca to girl. Ikaw ha. Name-miss mo si Ares noh! Aminin”
“The?! Hindi noh. Ganun kasi siya minsan eh pasulpot-sulpot” sabi ko.
Teka nami-miss ko nga ba si Ares? Oh no?!
“Eh kasi ikaw. Pinagtabuyan mo pa ang lalaking yon. Hay naku naman Lexa noh. Malamang masasaktan yon noh.” Sabi nya.
“bakit ka ba andito?” pag-i-iba ko ng usapan.
“Yayaain sana kitang mag-mall” sabi nya.
Tumango ako at saka na sumama sakanya
***
Kinagabihan ay binasa ko ang pocketbook kong bagong bili sa may veranda namin.
Nasa tabi ng highway ang bahay namin ngunit kaunti lamang ang dumadaan doon dahil kukunti ang mga taong nakatira.
Engrossed na engrossed ako sa pagbabasa ng makarinig ako ng motorsiklong nagkakarerahan. Dumaan ang mga ito sa bahay namin.
Biglang tumahip ang puso ko ng mapansin ang isang kilalang motorsiklo. I know it. Ganon ang motorsiklo ni Ares.
Nawala na ang mga ito sa paningin ko kaya balik ulit ako sa pagbabasa ng pocketbook.
Isang motorsiklo ang dumaan kasabay ng tatlo pang motorsiklo.
Napatayo ako ng gitgitin ng tatlong motorsiklo ang motorsiklo na ganon kay Ares.
Natumba ang motor. Agad na bumaba ang mga driver ng tatlong motoriklo at saka pinatayo ang lalaking natumba na naka-helmet pa.
At saka inundayan ito ng suntok.
Bumawi ng suntok ang lalaking naka-helmet.
Napanganga ako ng mahantad ang mukha nito mula sa helmet na suot nito.
BINABASA MO ANG
Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}
Roman d'amourBOOK 1 of The Girls' Trilogy