CHAPTER NINETEEN
DEW
Pagkapark ko ng sasakyan ko sa garahe ay agad akong dumiretso ng pasok sa mansion. Narinig ko pang tinawag ako ni Tita Alysone oero hindi ko siya pinansin. Umakyat agad ako sa second floor at saka naglakad hanggang sa marating ko ang dulo non kung saan ang kwarto ni Ares.
Padabog na binuksan ko ang pinto. Nakabukas iyon at nakita ko na nakaupo sa kama si Ares habang sinusuri ang kaliwang kamay niya na may benda.
Malakas na sinara ko ang pinto kaya napatingin siya sakin ng masama.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.
“Talagang gago ka noh” inis na sabi ko saka agad ko syang kinwelyuhan bago pa niya iyon gawin sakin.
“Anong pinagsasabi mo?” tanong niyang sabi pero nagiwas ng tingin.
“Kung di mo naman pala kayang panindigan ang pagiging boyfriend kay Lexa dapat una palang nilayuan mo na siya” bulyaw ko sa mukha niya.
Galit ako sakanya dahil sakanya nawala yong nararamdaman ng babaeng mahal ko.
“She’s just my toy” sabi niya ng nakangisi.
Tinignan ko siya ng masama. Akmang magsasalita ako ng inunahan niya ako.
“Ano bang ginagawa sa laruan? Diba pag tapos ng pagsawaan tinatapon na lang. ganyan si Lexa sakin. tapos na akong paglaruan siya.”
“Gago ka ah” hinigpitan ko pa ang pagkwelyo ko.
Sa halip na masaktan ay ngumisi pa siya.
“Tandaan mo to. Kung wala kang balak na saluhin siya ako ang sasalo sakanya. At hinding-hindi ko siya ibibigay sayo. Tandaan mo yan” sabi ko saka na padabog na binitawan siya at saka lumabas ng kwarto nito para dumiretso sa kwarto.
***
Lexa
Palabas na ako ng classroom. Lunch time na.
Nakita ko na nakasandal si Dew sa may pader at mukhang may hinihintay.
Dahil ako ang last na lumabas ay baka ako nga ang hinihintay niya.
Tinawag ko siya. agad naman syang lumapit sakin.
“Lunch?” tanong niya.
Tumango ako. Honestly di na ako ganoong nakakain ng mabuti dahil hanggang ngayon nagluluksa parin ang puso ko dahil kay Ares.
“Halika na” sabi niya saka ako hinawakan sa kamay.
Wala akong naramdamang spark o kung anong elektrisidad. Normal lang.
Kung dati ay nakakaramdam ako ng ganun ngayon ay wala na.
Siguro dahil hindi ko na nga siya mahal.
Habang naglalakad kami ng magkahawak kamay ay naalala ko yong huli naming paguusap.
Sasaluhin daw niya ako.
Kung pwede nga lang magpahulog uli sakanya eh. kung pwede lang.
Kaso hindi na eh. may iba nang nagmamay-ari ng puso ko at iyon nga ay si Ares Peralta.
“Wow, parang luneta lang ah”
Napalingon kami sa nagsalita.
Si Ares na nakataas ang sulok ng labi nito.
BINABASA MO ANG
Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}
RomanceBOOK 1 of The Girls' Trilogy