CHAPTER TWENTY SIX
“San tayo ngayon pupunta?” tanong k okay Ares habang naglalakad kami rito sa may Mall.
Ewan ko ba kanina pa kami lakad ng lakad di naman namin alam kung saan kami pupunta.
“Ikaw saan mo ba gusto?” tanong niya.
“Ikaw kaya ang nag-aya mag-date tapos di mo alam san tayo pupunta? Seriously, Ares?” tanong ko,
Naiinis ako eh. hindi ito yong ini-expect kong first date namin. Diba pag first date maganda, romantic. Pero kasi bakit ganito? Nakaka-disappoint.
Tinanggal ko ang kamay ko sakanya. Nakakainis… Tinatamaan na naman ako ng sakit ko, HIGH BLOOD.
Pag di ko kasi nakuha o nagustuhan ang isang bagay naiinis ako agad. And I hate this personality of mine.
“Babalik na ako ng School” saad ko sakanya saka ko siya tinalikuran.
Nakakainis eh. First date na first date namin hindi memorable. Nakakasar.
“Hey wait” sabi niya.
Di ko siya nilingon. Bahala siya sa buhay niya. nag-a-aya siya ng date tapos wala namang alam puntahan. Nakakainis hindi ba?
Kinuha niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.
“First date natin tapos aalis ka na agad?” sabi niya.
“Ayoko na makipagdate pagod na ko” sabi ko sakanya.
“Then I’ll carry you” sabi niya.
Tinignan ko siya ng masama. “buti pa balik na tayo ng school”
“But how about our date?”
“Just forget that.” sabi ko saka na naglakad.
Kahit ang totoo ay deep inside gusto kong ituloy ang date na ito.
“Halika na nga” sabi niya saka ako hinila papuntang elevator.
“Teka san ba tayo pupunta?” tanong ko.
“Basta” sabi niya saka na kami pumasok ng elevator ng bumukas iyon.
Honestly feeling ko habang nakasakay ako sa elevator ay naalala ko yong tagpo kung saan hinalikan ni Ares yong babae. Nanikip bigla yong dibdib parang nauulit yong nangyari.
“Your hands are cold. Are you okay?” tanong sakin ni Ares.
Tumingin ako kay Ares saka umiling. “Wala” sabi ko.
Umiwas na agad siya ng tingin ng sabihin ko iyon. Tinignan ko ang mukha niya. Mula sa mahabang pilik mata, sa matangos na ilong, sa pisngi niya na sobrang kinis na pati dark spots at acne ay mahihiyang dumapo at sa labi niyang… Nakadama ako nang init sa aking mukha lalo na ng maalala yong hinalikan niya ako sa may park.
“Bakit ang tagal mong lumabas? Halika na. andito na tayo” sabi niya saka nakatingin sakin ng masama.
Hindi ko namalayan na huminto na pala ang elevator.
Lumabas na ako. Siya ayon nauna ng maglakad. Hindi man lang ako hinintay.
Huminto siya saka lumingon siya sakin.
“Akin na nga yan” sabi niya.
Akala ko yong bag ko ang tinutukoy niya hindi pala.
BINABASA MO ANG
Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}
RomanceBOOK 1 of The Girls' Trilogy