CHAPTER THIRTEEN

79 2 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

LEXA

Pagpasok ko ng library ay naupo agad ako sa may tabi ng bintana.

May ginagawa akong reflection ngayon about sa librong binabasa ko.

Hay  nakakapagod nga eh. ang daming pinapagawa ng teacher namin sa Debate akala mo major kung makaasta hindi naman.

Nakalumbaba lang ako habang binabasa ang libro.

Hay naku kung pocketbook lang sana itong binabasa ko malamang ginanahan na ako at tapos na ito.

Hay naku amboring talaga at saka English pa. dinudugo utak ko neto eh…

“Binabasa mo rin pala ang libro ni Machiavelli”

Napaangat ako ng tingin.

At nabuhay ang dugo ko ng makita ang gwapong mukha ni Dew Velasco.

“Ha. ah. Oo. Pinapabasa ng teacher namin. kelangan naming gumawa ng reflection at critic na rin.” Sabi ko.

“Ganun ba.”

“Ikaw anong ginagawa mo rito?”

Pinakita nito ang makapal na librong pang-medisina.

“Magrereview ako para sa exam” sabi nito.

“Wow, advance magreview ah. Next next week pa naman ang exam ah” sabi ko.

Ngumiti lang ito.

“Pala-aral ka talaga noh” sabi ko.

“Gusto ko kasing makatapos ng suma para maging proud sakin ang Papa ko” sabi nito.

Naalala ko tuloy yong sinabi niya noon na may ibang pamilya ang papa nito at may half brother nga ito.

Hay. Kawawa naman ang irog ko. Kelangan nyang patunayan ang sarili niya sa Papa niya.

“Malamang na proud yon sayo noh. Ang talino mo kaya” at gwapo pa

Gusto ko sanang idugtong kaso nahihiya ako ehhhhhhh.

“I don’t know. Maybe…” sabi nito.

Napatingin ako sa may malaking wall clock sa library.

12 noon na pala.

“Ay, lunch na pala”

“Halika lunch tayo” aya nito.

“Sure ka?”

“Yeah. gutom na ako eh” sabi nito.

Tumayo na siya at saka sinabayan na ito sa paglalakad palabas ng library.

***

ARES

“Ares” tawag sa akin ni Mama bago ako lumabas ng bahay.

Lumingon ako sakanya.

“Here. give this to your girlfriend, Lexa.”

Napatingin ako sa inabot nyang pulang invitation.

“inivitation para sa birthday party ng Papa sa Saturday. Invite her okay” sabi nito.

“Yes, Ma. I’ll tell her” sabi ko.

I have a plan…

Maybe this party is the right time to get revenge to you My dear half brother…

Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon