“Lex kamusta yong pagtatapat mo kay Dew? Okay ba?” tanong ni Geca sa akin ng makita ko sila sa cafeteria.
Tinakpan ko ang mukha ko ng maisip ang nangyari kani-kanina lang.
“Ahhhhhhhhhhhhhhh nakakahiya!!!”
“Bakit? Anong nangyari?” tanong ulit niya sakin.
“Ehhhhhhhhhh kasi naman hindi si Dew yong nasabihan ko ng feelings ko”
“What?!Sino?” sabay sabay na tanong nina Geca at Yesha.
“Nasabi k okay Ares” sabi ko sabay subsob ng mukha ko sa aking kamay.
“What?!” bulaslas ni Geca.
“Hay naku! Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh sinabi ko ng hindi magandang idea yang pinaggagagawa nyo” sermon ni Yesha.
“Anong gagawin ko?” naiiyak na sabi ko.
“Edi iwasan mo na lang si Ares. Bakit kasi hindi mo man lang tinignan kung sino ang kausap mo haist” sabi ni Geca.
Tama si Geca. Iiwasan at tataguan ko na lang si Ares.
Isang linggo na ang nakakalipas at salamat sa Dyos at hindi na ko pa naka-daupang palad si Ares.
Alas-kwatro na ng hapon at pauwi na ako.
Kasalukuyan kong tinatahak ang daan ng open court ng may isang humahagibis na motorsiklo ang paparating. Tumabi ako ngunit huminto ang motorsiklo sa harapan ko.
Nang tanggalin ng driver ang helmet nya ay literal na napanganga ako dahil ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang tinataguan kong si Ares Peralta.
“Remember me?” sabi nya at nakatingin sa akin.
“Isara mo nga yang bibig mo baka may pumasok na langaw. Alam kung gwapo na ako kaya wag mo ng ipagduldulan pa”
Natauhan ako sa sinabi nya.
Nangkit ang mga mata ko. Grabe ang yabang pala ng lalaking ito!!! Siya nagwa-gwapuhan rito? No way!
“Conceited. Hindi ka gwapo noh” sabi ko habang nakataas ang isang kilay.
“Kung hindi ako gwapo bakit mo ako gusto? Di ba sinabi mo sa akin yon. wag ka ng mahiya” sabi niya
Nang-init ang ulo ko.
“Hindi ah. hindi ikaw ang pakay ko non” sabi ko naman.
“So Sino pala?” tanong naman niya.
“Si---“ natigilan ako.
Muntikan ko ng masabi sakanya na gusto ko si Dew.
Hindi ko pwedeng sabihin iyon sakanya. Gusto kong ako ang magsabi kay Dew ng nararamdaman ko.
“See?wala. So ako ang gusto at mahal mo” diniinan pa nya ang salitang gusto at mahal.
“Kalimutan mo na yon. at saka nakalimutan ko na rin iyon eh. S-Sige aalis na ako ha! Bye” sabi ko at naglakad na palayo.
Nararamdaman ko parin nakasunod parin siya sakin.
Huminto ako at tinignan siya.
“Sinusundan mo ba ako?”
“Sakay na. ihahatid na kita” sabi niya
“No thanks. Kaya kong umuwing mag-isa” sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Lexa: I fell in love with a trouble maker {FIN}
RomansaBOOK 1 of The Girls' Trilogy